Wednesday , November 27 2024

Allen Dizon, pinuri ang galing sa pelikulang Sekyu

101615 Allen dizon

00 Alam mo na NonieMULING nagpakita ng husay sa pag-arte si Allen Dizon sa pelikulang Sekyu na pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan. Minsan pang pinatunayan ni Allen na isa siya sa most awarded actor (9 Best Actor na ang nakuha niya so far sa pelikulangMagkakabaung) sa kasaysayan ng local showbiz sa kanyang malalim na pagganap bilang isang matapat na security guard na nagkaroon ng matin-ding problema sa kanyang pamil-ya.

Kaya hindi kami magtataka kung muling makasungkit ng acting awards dito si Allen. Lalo’t this early, nakatakdang mag-compete ang Sekyu sa Kolkata International Film Festival sa India at sa Dhakka International Film Festival sa Bangladesh this November.

Base sa nakita namin sa FB page ng mana-ger ni Allen na si Dennis Evangelista, lahat ay pumupuri sa galing ni Allen sa pelikulang ito. Kabilang dito si Norman Llaguno ng Gawad Tanglaw Awards, pati na ang mga beterano at respetadong entertainment columnists na sina Kuya Mario Bautista at Ronald Constantino. Kasama rin sa bumilib sa galing ni Allen ang mga katotong sina Alwyn Ignacio, Rod Yabis, Archie Liao, Albert Bryan, ang kolumnistang ito, at marami pang iba.

Sa panayam namin kay Allen bago ang simula ng premiere night ng naturang pelikula, sinabi ni-yang mas kompiyansa siya ngayong makipagtrabaho kay Direk Joel. “Siguro, mas nadagdagan lang iyong self-confidence ko noong manalo ako ng awards. Iyong mas relaxed na ako pero hindi naman kampante sa aking craft.”

Idinagdag pa ng morenong actor na ginawa niya ang gustong atake ni Direk Joel para sa kanyang character dito.

“Gusto kasi ni Direk na subtle iyong acting ko rito. Tragic iyong pinagdaanan ng karakter, pero gusto naming ma-ging realistic na hindi ma-drama o acting na acting. Actually, iyong kuwento, hindi siya iyong tungkol sa mga social issues kundi naka-focused mismo doon sa life ng sekyu bilang isang simpleng tao at ukol sa kanyang pamilya.”

Ang Sekyu ay mula sa BG Productions International na prodyus nina Ms. Baby Go, Romeo Lindain, at Dennis Evangelista. Mula sa panulat ng award winning screenwriter na si Ricky Lee, ito ay tinatampukan din nina Sunshine Dizon, Melai Cantiveros, Kiko Matos, Jaime Pebanco, Rez Cortez, Raquel Villavicencio, at maraming iba pa.

 ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Lloyd Samartino

Lloyd Samartino naranasang makorner ng direktor

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang kuwento mismo sa amin ni Lloyd Samartino na noong araw pa …

Carlo Aquino Enola Mithi Julia Barretto Hold Me Close

Carlo sa anak na si Mithi — hold me close

RATED Rni Rommel Gonzales NAKAPAG-CATCH UP up sina Carlo Aquino at Julia Barretto habang ginagawa ang pelikulang Hold Me Close na …

Robbie Jaworski Dodot Jaworski Mikee Cojuangco ABS-CBN Star Magic

Robbie Jaworski umamin crush sina Kim, Maris 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PORMAL nang pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN talent management na Star Magic ang …

Regine Velasquez

Regine tanggap na lipas na ang panahon — I can no longer compete with the young ones

MA at PAni Rommel Placente SA inilabas niyang TikTok video nitong Huwebes, November 21, pinaalalahanan ni Regine Velasquez …

Vilma Santos Uninvited Espantaho

Ate Vi nilinaw pagpili sa Uninvited kaysa Espantaho

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI itinago ni Vilma Santos na excited siyang makasama si Judy Ann Santos sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *