Saturday , November 23 2024

P10-B APEC budget okey lang ba!? (Para maramdaman daw ng delegates na it’s more fun in the Philippines)

00 Bulabugin jerry yap jsyEKONOMIYA at Filipino hospitality ang rason ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., kaya naglaan at gumagastos ngayon ang gobyernong PNoy ng halagang P10 bilyones para sa ginaganap na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Sampung pisong bilyones?!

Sonabagan!!!

Kung bubuhayin ang agrikultura sa malalawak na lupain sa mga lalawigan  para  magkaroon ng kabuhayan  ang mga naninirahan doon upang huwag na silang lumuwas at manirahan sa Maynila at kung muling palalakasin ang industrialisasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagsuporta sa maliliit na negosyanteng Filipino na kayang magbigay nang maayos na trabaho, tamang suweldo at mga benepisyo sa kanilang mga empleyado, ang P10 bilyong piso ay malaking halaga para simulan ang layuning ito.

Hindi natin maintindihan kung bakit kailangan gumastos ng P10 bilyones ng gobyernong ito kapalit umano ng FOREIGN INVESTMENT?!

Tell that to the marines!

Kahit sarili nga ninyo ‘e hindi naniniwala na mag-i-invest dito sa Pinas ang mga bansang ‘yan dahil alam ninyong susuko agad ang mga pribadong kompanya.

Ano ang sinusukuan ng mga investor dito sa Pinas, siyempre unang-unang ang labor unrest.

Bakit may labor unrest? Mababa ang minimum wage, kulang ang mga benepisyo. Sa maliit na minimum wage ay diyan pa kukunin ang pagpapaaral at pangangalaga sa kalusugan ng kanilang pamilya.

‘E sa sapat na pagkain na ihahain sa mesa, kulang na agad ‘yung umiiral na minimum wage ngayon doon pa kaya sa ibang pangangailangan sa serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon at kalusugan?!

Ikalawang sinusukuan ng foreign investors sa bansa, mataas ang rate ng koryente. Halos 50 percent ng maintenance expenses nila ay nilalamon ng koryente. Kaya nga ang tendencies, mas tinitipid nila ang mga manggagawa at empleyado kaya pumapasok na naman ang labor unrest.             

Ikatlo, ang walang kamatayang red tape. Bago matapos ang paglalakad ng mga kaukulang permiso at dokumento para sa isang negosyo, sandamakmak na pang-goodwill sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na ang ‘nailabas’ ng foreign investor para lumarga agad ang kanilang negosyo.

Ikaapat, super-taas na buwis na hindi maintindihan kung saan napupunta dahil ‘parang barya sa butas na bulsa’ ang kinahihinatnan ng ibinabayad na buwis ng sambayanan.

Ngayon, sige nga kombinsihin ninyo ang sa-rili ninyo na ‘lalago ang isang negosyo’ dito sa bansa, lokal man o dayuhan, kahit umiiral ang apat na dahilan na binanggit natin sa itaas.

Sabi pa ni Kolokoy este Secretary Coloma, tingnan daw ang ‘long-term benefits’ na mahihita ng bansa hindi ‘yung pag-ukilkil lang sa budget na P10 bilyones lalo’t 19 na taon daw ulit bago ito maulit.

Pakengsyet!                      

Marami raw turista ang maeengganyong mamalagi sa bansa dahil parang trust and security building daw ang isa sa mga pakinabang ng bansa sa APEC.

Kamote!!!

Tatanggapin na lang ba natin habang buhay na ang ekonomiya ng ating bansa ay nakasandig sa turismo, BPO, at dollar remittances sa pamamagitan ng pagluluwas ng lakas-paggawa o pagpapaalipin  ng ating mga kababayan (overseas Filipino workers o  OFWs) sa ibang bansa, imbes muling paunlarin ang agrikultura at buhayin ang iba’t ibang linya ng produksiyon at industrisya sa bansa?!   

Ano nga ang sabi ni Kolokoy este Coloma?

“Big part of the development in the world is based on the so-called people-to-people friendship and cooperation. According to my friend, ‘an investor starts as a tourist; happy tourist becomes interested investor.”

Ang haba ng aral mo Kolokoy pero ganyang pangangatuwiran lang ang namumutawi sa bibig mo?!

Bulok ang political economy ng bansang ito kung ganyan ang mga pangangatuwiran mo Kolokoy!

Mula noong Enero pa raw ginagastos na ‘yang P10-bilyon na ‘yan para sa APEC.

Wala naman kayong itinayo na bagong convention center para riyan sa apec-apec n’yo?!

By the way, saan pala mapupunta ‘yung mga BMW na tax free kuno na ipinasok sa ating bansa?

Ibebenta ba ulit ‘yan ng BMW company after ng APEC? Aba napakasuwerte naman pala ng importer na ‘yan!

Puwede bang balikan mo, Secretary Kolokoy este Coloma ang mga rason mo sa publiko tungkol sa P10-bilyon gastos sa APEC?!

Nakapanliliit na gumagastos nang ganyan kalaki ang gobyerno habang milyon-milyong Pinoy ang walang trabaho, hindi makapag-aral, natutulog sa kalye at namamatay na hindi man lang nakakita ng doktor.

Alam ba ng administrasyon ninyo ‘yan, Secretary Coloma?!

Sana ‘e masagot ninyo ‘yan!

City of Dreams Casino tambayan ng mga juging

ALAM kaya ng management ng City of Dreams na sikat na sikat sila ngayon bilang tambayan ng mga JUGING?!

Ang ibig sabihin po ng JUGING ay mga tambay sa Casino na hindi naman naglalaro pero mahilig mag-amuyong, mamburaot at manghingi ng balato.

Madali silang makilala, kasi pakalat-kalat lang sila at nag-aabang kung sino ang mahihi-ngan ng balato.

‘Yung iba kapag nakabalato na, uupo at maglalaro kunwari sa slot machine pero kapag natalo mag-aabang ulit ng maju-juging.

In fairness sa Solaire at sa Resorts World, mahigpit sila laban sa mga JUGING.

Hindi pwedeng lumapit ang mga juging sa mesa ng mga player kundi sila tataya.

Hindi katulad diyan sa City of Dreams, na nakikisiksik pa sa mesa ng mga player lalo na sa VIP room.

Aba, kung hindi aarestohin ng management ng City of Dreams ang ‘pamamayagpag’ ng mga JUGING sa kanilang Casino, malamang tuluyan na layasan sila ng mga player.

Paging City of Dreams casino management!

Overtime pay ng BI employees good-as-dead na?!

IT’S so pity na masyado pang pinaaasa ng ilang mga sepsep na tao nitong si Immigration Comm. Fred ‘valerie’ Mison ang lahat ng empleyado ng Bureau na hindi mawawala ang kanilang Express Lane fund kung saan nanggagaling ang kanilang overtime (OT) pay.

Sa totoo lang, ngayon pa lang ay dapat nang tanggapin ng lahat na tuluyan nang mawawala ang benepisyo na matagal nang inalagaan at iningatan ng mga nagdaang administrasyon sa Bureau of Immigration.

Magmula pa kay Comm. Miriam Defensor-Santiago hanggang kay Comm. Ricardo David, Jr., ang OT pay na ‘yan ay napangalagaan nang maayos. Halos lahat sila ay nakipaglaban, nakipagdebate, nag-lobby at nangampanya para  ma-retain ang OT na ‘yan.

Si pa-good guy commissioner Mison naman, ano naman ang ginawa?

E ‘di WALEY?!

Hindi nga ba’t ilang beses niyang pinabayaan ang mga kaawa-awang empleyado na lumakad at mag-lobby sa kongreso nang sila-sila lang?

Magmakaawa at makiusap sa mga mambabatas para lang huwag ilipat ang pinagkukunan ng kanilang OT pay sa National treasury?

Sabagay ano nga naman ang mapapala niya?

Hindi naman siya permanente sa Bureau of Immigration. Alam din niya siguro na kinasusuklaman na siya halos ng lahat. At sa totoo lang, mas malaking accomplishment para sa kanya kung matutulungan niya ang gobyernong ito na kunin ang nasabing pondo.

Look what happened to airline and shipping fees?

So, sa mga naniniwala, sumasamba at halos gawing diyos si Comm. Integrity ‘kuno,’ e sorry na lang kayo ‘pag lumayas na ang amo ninyo sa bureau.

Sabi nga ng mga nakakusap nating Immigration employees… “Mas inaasikaso pa kasi si Valerie kaysa kapakanan ng mga empleyado?!”

Nakupo!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *