Friday , November 15 2024

Taksil ba si Chiz sa mga Bicolano!?

00 Bulabugin jerry yap jsySA LAHAT ng mga Bicolanong batang politiko, si Sen. Chiz Escudero ang halos puwedeng umabot raw sa narating ng yumaong si Senador Raul Rocco.

Marami kasing aspekto kung bakit napakabilis kay Chiz na marating ang ganitong katayuan sa politika.

Bata, intelihente, artikulante at may dinamikong personalidad, kaya hindi nakapagtatakang kahit sino ay madaling napapaniwala ni Chiz.

Bukod diyan dala niya ang apelyidong may name recall: Escudero.

Kung tutuusin, ang mga katangiang ito at ang narating ni Chiz sa larangan ng politika, isa siyang malaking yaman at dangal para sa mga Bicolano…

Pero ganyan din ba ang nararamdaman ng mga Bicolano sa kanya?

Malaking Bigo…

‘Yan ang nararamdaman ng maraming Bicolano kay Chiz, sa maraming pagkakataon, lalo ang mga kababayan niyang Sorsogueño.

Hinaing nila, naging kongresista nga ng Sorsogon si Chiz pero wala siyang naiakdang batas para iangat ang kabuhayan ng kanyang mga kababayan at lalong hindi niya nabawasan ang kamangmangan ng maraming kabataan sa kanilang bayan.

Marami sa mga kabataang ito ay lugmok ngayon sa kahirapan at lulong sa ilegal na droga.

Nang maging senador, walang lingon-likod na nilisan niya ang serbisyo publiko sa Sorsogon…

Kasi’y hindi naman daw siya lumaki sa bayan na sinasabi niyang kanyang pinagmulan.

Lalo pang hinataw ng kabiguan ang buong Bicolandia nang hindi niya suportahan ang presidential candidacy ni dating Senador Raul Roco.

At sa halip, naging aktibong tagapagtaguyod at naging campaign spokesman pa ni  Fernando Poe Jr.

At kumibo ba si Chiz nang pumutok ang isyu ng La Fayette mining sa Rapu-Rapu, Albay tawid bayan lang ng Sorsogon?

Nagkaroon ng fish scare na labis na puminsala sa kabuhayan ng mga mangingisdang Sorsogueño. May narinig ba sila para protektahan sila ni Chiz?

Nang pumutok ang Mt. Bulusan, nakita ba kahit ang anino man lang ni Chiz sa mga evacuation centers sa Juban, Casiguran o kahit sa Irosin?

Dahil nang panahon na iyon ay ginagamit ni Chiz ang isyu ang impeachment para sa kanyang pagepal ‘este’ sa grandstanding sa Senado…

‘Yan ho si Chiz…ma-keso para sa sariling kapakanan pero hindi sa mga taong dapat niyang paglingkuran.

Getz ba n’yo!?              

Nagbago na ba ang daan sa BI-KIA!?

MARAMING nagtatanong sa atin kung totoo nga raw na nagbago na ng pananaw si Madam Lilot “Da Hilot” ang hepe ng Bureau of Immigration (BI) Kalibo International Airport (KIA).

Kung noon daw ay nagpakitang gilas si Hilot ‘este’ Lilot na mala-Jaworski na nagbabantay ng mga Pinoy na pasaherong papunta ng Malaysia at Hong Kong, ngayon naman daw ay tila nagsawa na kaya naman tuloy-tuloy na ang KIA sa maluwag na daan?!

Bwahahaha!!!

Anyare, Madame Lilot?

Have you realized na sa tinagal-tagal mo riyan sa BI-KIA ‘e hanggang ngayon ni isang commendation o medalya wala ka naman napala sa efforts mo?

Ang masama nito, dahil sa mga pagsusungit mo at pagtataray ay nabukelya tuloy na may special attitude ka.

Ang ilang taon na magandang imahe na pinilit mong buuin through the years of being an Immigration Officer ay napalitan ng masasamang comments from your subordinates.

Sayang Madam Lilot, masyado ka kasing nagpaalipin (o nagpauto?) kay Comm. Fred “AmBoy” Mison.

Hindi mo naisip na shortlived lang ang itatagal niyan sa Bureau pero ‘yung mga kasamahan mo na nagkaroon ng masamang experience sa iyo diyan sa BI-KIA, mananatili na ang ngitngit nila sa iyo hanggang sa kanilang pagreretiro.

So if I were you Ms. Lilot, medyo dalas-dalasan mo ang iyong soul searching?

Anyway, malapit lang naman diyan ang Boracay. Bakit hindi mo ayain si Thelma d’ Tigre ‘este’ Adre at sabay kayong maglakad mula Station 1 paikot ng buong isla at kapag sakaling sinisipag pa kayo ay lumangoy kayo pabalik ng Maynila!?

Larga na!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *