Saturday , November 23 2024

Taksil ba si Chiz sa mga Bicolano!?

chiz girlsSA LAHAT ng mga Bicolanong batang politiko, si Sen. Chiz Escudero ang halos puwedeng umabot raw sa narating ng yumaong si Senador Raul Rocco.

Marami kasing aspekto kung bakit napakabilis kay Chiz na marating ang ganitong katayuan sa politika.

Bata, intelihente, artikulante at may dinamikong personalidad, kaya hindi nakapagtatakang kahit sino ay madaling napapaniwala ni Chiz.

Bukod diyan dala niya ang apelyidong may name recall: Escudero.

Kung tutuusin, ang mga katangiang ito at ang narating ni Chiz sa larangan ng politika, isa siyang malaking yaman at dangal para sa mga Bicolano…

Pero ganyan din ba ang nararamdaman ng mga Bicolano sa kanya?

Malaking Bigo…

‘Yan ang nararamdaman ng maraming Bicolano kay Chiz, sa maraming pagkakataon, lalo ang mga kababayan niyang Sorsogueño.

Hinaing nila, naging kongresista nga ng Sorsogon si Chiz pero wala siyang naiakdang batas para iangat ang kabuhayan ng kanyang mga kababayan at lalong hindi niya nabawasan ang kamangmangan ng maraming kabataan sa kanilang bayan.

Marami sa mga kabataang ito ay lugmok ngayon sa kahirapan at lulong sa ilegal na droga.

Nang maging senador, walang lingon-likod na nilisan niya ang serbisyo publiko sa Sorsogon…

Kasi’y hindi naman daw siya lumaki sa bayan na sinasabi niyang kanyang pinagmulan.

Lalo pang hinataw ng kabiguan ang buong Bicolandia nang hindi niya suportahan ang presidential candidacy ni dating Senador Raul Roco.

At sa halip, naging aktibong tagapagtaguyod at naging campaign spokesman pa ni  Fernando Poe Jr.

At kumibo ba si Chiz nang pumutok ang isyu ng La Fayette mining sa Rapu-Rapu, Albay tawid bayan lang ng Sorsogon?

Nagkaroon ng fish scare na labis na puminsala sa kabuhayan ng mga mangingisdang Sorsogueño. May narinig ba sila para protektahan sila ni Chiz?

Nang pumutok ang Mt. Bulusan, nakita ba kahit ang anino man lang ni Chiz sa mga evacuation centers sa Juban, Casiguran o kahit sa Irosin?

Dahil nang panahon na iyon ay ginagamit ni Chiz ang isyu ang impeachment para sa kanyang pagepal ‘este’ sa grandstanding sa Senado…

‘Yan ho si Chiz…ma-keso para sa sariling kapakanan pero hindi sa mga taong dapat niyang paglingkuran.

Getz ba n’yo!?              

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *