CERTAINLY, walang masama o masagwa sa pagtitinda. After all, isa itong marangal na income source lalo sa mga artistang walang proyektong pinagkakaabalahan at mag-aakyat kita sa kanila.
Isang sosyalerang artista ang may ganitong business ngayon. Pero ang mga ibinebenta niyang health products ay high-end that only the above middle class can afford to buy.
Nakalulungkot na nakatengga ngayon ang aktres. Ang dapat sana’y serye niya sa TV ay biglang-biglang kinansela.
Sad in the sense na isa siyang single parent. Even more sad ay ang tila kawalan ng income ng kanyang buong pamilya. So, is she to blame kung nagtitinda na lang ngayon ang aktres na itago na lang natin sa alyas na Guapa Rodriguez?
Ronnie Carrasco III