Friday , November 15 2024

Sabwatang prison guards at inmates sa NBP sinisilip

MAYROONG nagaganap na sabwatan sa pagitan ng mga guwardiya ng maximum security compound ng National Bilibid Prisons (NBP) at mga inmate.

Kinompirma ito ni Bureau of Corrections (BUCOR) Director Ranier Cruz patungkol sa hindi maubos-ubos na kontrabando sa loob ng Bilibid.

Ayon Kay Cruz, isa ang sabwatan ng mga guwardya at inmates sa ilang dahilan kaya nakapapasok ang kontrabando sa maximum security compound kaya ito ang kanyang tutukang solusyonan.

Mayroon na aniyang agarang solusyon para mapigilang makapasok ang ano mang kontrabando sa pamamagitan ng paglalagay ng high-tech na X-ray machine sa Gate 4 ng NBP, pagbabawal ng pagpapasok ng construction materials na pinagsasabayan ng puslit na kagamitan at masinsinang pagbusisi sa ipinapasok na mga sako ng bigas na pagkain ng mga inmate.

“Familiarity” na lamang aniya ang daragdagan ng kontrol para tuluyang masawata ang pagpasok ng kontrabando.

Kaugnay nito, inihahanda na nina Director Cruz at NBP Superintendent Richard Schwarzkopf Jr., ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga empleyado at guwardiyang nakikipagsabwatan sa mga inmate.

Hindi muna naglabas ng pangalan ang dalawang opisyal ng NBP.

Magugunitang sa loob ng isang linggo ay tatlong beses na nagsagawa ng raid ang mga miyembro ng Special Weapons And Tactics (SWAT) teams at agents ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at nakakompiska ng iba’t ibang kontrabando kagaya ng personal refrigerator, LED TV, cellfones, gadgets, bladed weapons, 2 aso, baril at hinihinalang shabu.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *