Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo Pascual admits he’s Gay! link, virus pala

050515 piolo pascual

00 fact sheet reggeeANG dami naming natanggap na link ng galing sa isang website kahapon na galing mismo sa rati naming patnugot sa pahayagan at sabay tanong sa amin kung, ”is this true?—”Piolo Pascual admits he’s Gay!”

Tumawag kami kaagad sa mga kakilala naming malapit kay Piolo Pascual at nakarating na rin pala sa kanila ang nasabing link na may shares ng 12.8K at mahigit namang 3,000 ang nag-like.

Sagot sa amin ng taong malapit kay Piolo, ”Oo, nakita ko na ‘yan, may nag-share sa akin, tapos noong binuksan ko, hayun, virus pala, biglang nag-Mckeeper ang laptop ko, hindi ko na tuloy mabuksan. Noong i-check ko sa phone ko, hindi ko na makita, ‘wag mo buksan baka ma-virus ka rin.”

Bakit ba paulit-ulit na lang ang isyung ito na walang kamatayan at ang nakagugulat ay naka-quote pa ang aktor sa tanong kung alam na ng anak niyang si Inigo Pascual ang isyung gay siya.

Sabi sa quote ni Piolo, ”He (Inigo) knows, kinausap ko before he even joined showbiz. Turns out, alam na pala niya. Kailangan na lang daw niya ng confirmation from me. I’m glad. I’m glad he accepts me.”

At sa tanong ulit kung bakit nagtapat na ang aktor, ”I don’t want to hide anymore. Wala na ‘kong pake kung anong sabihin nila. (After) 21 years in showbiz, all I want is to be free and be with who I want to be with.”

Ano bang legal na hakbang ang dapat gawin sa mga online o website na naglalabas ng hindi totoo?

“Hindi mo alam kung sinong hahabulin mo, eh, hindi naman sila nagpapakilala, pero siyempre nakaiinis din, pero sa mga may alam sa mga ganyan (online/bloggers/website), alam naman nila kung ano ang totoo,” paliwanag sa amin.

Nakikisabay daw ang nagsulat dahil, ”maganda at mabango na naman kasi ang career ngayon ni Piolo kaya pilit na naman siyang ibinababa.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …