Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo Contis, sadistang rapist!

111615 Paolo Contis

00 Alam mo na NonieKAKAIBANG Paolo Contis ang mapapanood sa pelikulang Angela Markado na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann. Ito ay remake ng pelikulang unang pinagbidahan ni Hilda Koronel at pinamahalalan ni Direk Lino Brocka noong 1980. Serialized din ito sa komiks na sinulat ni Direk Carlo J. Caparas. Sa remake nito ay si Direk Carlo na ang direktor ng naturang pelikula na mula sa Oro de Siete Films.

Isa si Paolo sa limang rapist dito ni Andi. Kasama sa nag-gang rape sa kanya sina Jeffrey Quizon, Polo Ravales, Felix Roco, at CJ Caparas. Sa Bubble Gang ay pakuwelang komedyante si Paolo at dito ay bad boy na rapist, hindi ba siya nag-alala na manibago ang audience sa ipinakita niya sa pelikulang ito?

“Actually ay okay nga e. Kasi ang Bubble Gang is actually a show na napapakita ko na hindi ako totoong ganoon, ‘di ba?

“So breaker ito, masaya ako na ganito, na nagagawa ko ang iba-ibang klaseng proyekto. Na nabibigyan ako ng mga ganitong opportunity para alam ng mga tao na hindi lang tayo puro comedy,” nakangiting esplika ng Kapuso actor.

Inisip mo ba na parang manyakis ka habang ginagampanan iyong role mo rito?

“Actually, iba-iba kasi iyong characters namin dito, e. Ako kasi, sadista ako, e. May ibang rape na manyak ang pagka-rape niya. Ako kasi, sadista rito. Ang tema ng rape ko ay yung nananakit. So, iba yung sa akin, it’s not lust, more on sadist talaga ako rito.”

Ano ang masasabi niya sa acting dito ni Andi? “Magaling siya, ibinigay niya lahat e… walang arte-arte, ibinigay niya lahat ng kailangan for the movie.

“Masasabi ko na nag-work iyong film, kasi lahat naman kami ginawa namin iyong trabaho namin.”

Kinuha rin namin ang reaction niya sa sinabi ni Direk Carlo na mas magagaling ang rapist sa remake ng pelikulang ito.

“Ginawa lang namin ang hiningi ni Direk. Nang tinanggap naman namin ang movie, alam namin ang gagawin namin… So, ginawa lang namin ang hinihingi ni Direk.”

Kabilang din sa cast sina Bembol Roco, Bret Jackson, Ana Roces, Marita Zobel, Buboy Villar, Mika dela Cruz, PAO chief Persida Acosta, at iba pa. Showing na ito sa December 2.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …