Saturday , November 23 2024

‘Reciprocal’ Revolution

parisNAGULAT ang buong mundo sa nangyari sa Paris, France.

Maraming naniniwala na ito ay hindi maiiwasang sirkumstansiya ng pandarahas laban sa mga bansang Arabo sa buong mundo ng mga kapitalistang bansa.

Mayroon namang nagsasabi na ang may gawa ng karahasang ito sa Paris ay mga puwersang hindi na makontrol ng kung sino man ang lumikha sa kanila.

Mayroong mga nagdiriwang, dahil ito umano ay indikasyon na mayroong puwersang nabubuo para ‘ibagsak’ ang mga bansang kapitalista na mapang-abuso sa kapangyarihan at suwapang sa kuwarta.

Pero mayroon namang nagsasabi na maaari itong ‘boots on the ground’ para i-upstage ng North Atlantic Treaty Organization  (NATO) si Vladimir Putin, ang presidente ng Russia.

Isa kaya ito sa mga dahilan kung bakit umatras si Putin sa gaganaping APEC Summit sa bansa?!

Sa personal na karanasan ng inyong lingkod, nakita natin ang deteryorasyon ng Paris nang magbakasyon dito kamakailan.

Kung mayroong iba’t ibang grupo ng mga mandurukot at magna-nakaw sa ating bansa, mas matindi sa Paris.

Sa harap ng mga turista mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, walang takot na nandurukot at nanghahablot ng mga bag at alahas ang mga jobless na nakaistambay sa mga kilalang tourist area sa nasabing bansa.

Hindi ba’t sa France rin nagmula ang mga pyramiding scam na patok na patok ngayon sa mga bansa sa Asia?!

Huwag din natin kalimutan na noong Enero ay mayroon nang pag-atakeng naganap sa pahayagang Charlie Hebdo na ikinamatay ng 17 katao.

Alalahanin na ito ay dahil sa isang caricature na pinaglaruan ang imahen ng mga Arabo.

Maliwanag na nabubuhay sa ganitong mga aksiyon ang pag-aalsa ng maliliit at walang kapangyarihan.

Kung kaya nilang makipagtapatan sa malalakas at mga makapangyarihan, hindi nila gagawin ang ganitong klase ng pag-atake.

Sa isang banda ay humahanga rin tayo sa determinasyon at tapang ng nasabing puwersa.

Matapang at kahanga-hanga ang kanilang determinadong kilos.

Kaya siguro mayroong French Revolution na naging padron ng mga bansang nais palayain ang kanilang bansa sa ‘kuko’ ng mga mananakop.

Dito sa ating bansa, EDSA People Power lang ang pwede nating ikuwento, bitin pa.

Ang mga giyera natin laban sa mga puwersang Espanyol, Kano at mga Hapon ay kinupot at ninakaw sa kasaysayan dahil sa interes ng iilan.

At habang  naiisip natin ang mga makabayan, matatapang at malalayang mamamayan ng France na nakapaglulunsad ng kanilang mga protesta sa maraming paraan, nalungkot tayo kung paano tinapos ng mga Lumad mula sa Mindanao ang kanilang protesta laban sa pamamayagpag ng mga minahan (small scale, large scale) sa kanilang lalawigan…

Tinapos nila ang kanilang militanteng protesta sa pamamagitan ng kanya-kanyang paggiba at pagtitiklop sa kanilang mga lona.

Inakala ng inyong lingkod na sisingit sila ng pagkakataon para makalusot sa APEC Summit. Magandang venue ang APEC para mabatid ng mga lider at pinuno ng ibang bansa ang tunay na pang-aabuso sa kalikasan sa ating bansa.

Kaya naman nalungkot tayo nang mabilis pa sa alas-kuwatrong itinupi nila ang kanilang lona para lumipat sa ibang lugar na hindi yata mahahagip ng tanw ng mga dadalo sa APEC.

Hindi natin sinabing gayahin ng mga Lumad ang naganap sa Paris.

Pero ‘yung manatili sila sa lugar na daraanan ng mga delegado ng APEC ay malaking tagum-pay nang maituturing.

Mukhang ganyan lang talaga ang kaya nating isulong na ‘rebolusyon.’ Yung sumasagot o tumutugon lang tayo sa mga pangyayari. Parang ‘reciprocal revolution’ lang. 

Hindi iyong lumilikha tayo ng malaking puwersa para tayo ay lumikha ng isang sitwasyon na eventually  ay susundan ng malalaking kapitalista sa buong mundo.

Kailan mangyayari ang ganoon?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *