Saturday , November 23 2024

BI anniversary celebration binubusisi ng COA

immigration 75thBALITANG kinukwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang nakaraang gastos ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang anniversary celebration na ginanap diyan sa National Museum.

Hanggang ngayon pala ay hindi malaman ng mga organizers kung papaano ililiquidate ang tila sumobrang budget para sa nakaraang okasyon.

Ang dapat na umayos sa gusot na ito ay ‘yung mga sumamang rumampa ng magdamagan kasama itong si BI Comm. Fred ‘greencard’ Mison.

Hindi nga ba at pinuwersa pang kaltasan ng tigli-limang daang piso ang bawat empleyado nang walang kamalay-malay mairaos lang ang pa-eklat ni Miswa ‘este’ Mison?

Well lagi namang ganyan ‘di ba? Sa una ang sarap, sa bandang huli ang hirap!

Sa lahat ng pagkakataon laging iwas sa ganitong issue si Comm. Fred ‘valerie’ Mison. Sa totoo lang, sino ba ang nakinabang dito?

Hindi ba siya lang ang naging bida?

Sabihin mo kung mali ako, Atty. Manuel “Plax” Plaza!?

At ang mga nuknukan nang sipsip na mga nakikinabang, lunok nang lunok lang sa sistema kesehodang magmukha silang tanga!

Well, talagang ganyan. Meron talagang sadyang matitibay ang sikmura at makakapal ang mukha sa mundo.

Kung gusto ninyong malaman kung sino-sino sila, paki-check n’yo na lang sa Facebook page ng BI at doon ninyo makikita ang nakasusukang mga eksena sa anniversary celebration ng Bureau na iilan lamang ang nakinabang?!

Pwe!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *