Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Panday, bubuhayin ni Richard sa Kapatid Network

111515 RICHARD Gutierrez

00 fact sheet reggeeBUHAY na ulit si Flavio sa telebisyon bilang si Panday.

Yes Ateng Maricris, si Richard Gutierrez ang gaganap na Ang Panday sa telebisyon na mapapanood sa TV5.

Magiging busy na ulit ang TV5 sa paggawa ng teleserye para naman daw hindi lang ang ABS-CBN at GMA 7 ang estasyong pinanonood ng tao.

Gusto raw tapatan ni boss Vic ang mga serye ng dalawang network na puwede naman kung puro remake ang ipo-produce at ang gaganda ng mga pelikulang ipinodyus ng Viva Films, ‘di ba Ateng Maricris?

Going back to Ang Panday, magtutulong sina boss Vic at ang may akda nitong si Carlo J. Caparas na buuin ang programa mula naman sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Nagsimula sa Komiks ang Ang Panday noong 1970 at ginawang series ng pelikula ni Fernando Poe, Jr..

Naging Panday din sa pelikula sina Bong Revilla, Jr. at Janno Gibbs at ginawang serye ng ABS-CBN na si Jericho Rosales naman ang bida noong 2005.

Nag-pictorial na raw si Richard kahapon at napansin ng lahat, “ang taba ni Richard, kailangan niyang mag-reduce, hindi na sila nagkakalayo ni Raymond.”

Anyway, magkakaroon ng trade launch ang TV5 sa Nobyembre 25, Miyerkoles at doon malalaman ang line-up para sa buong 2016.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …