Friday , November 15 2024

Habla laban sa Iglesia ibabasura (Sa tingin ng eksperto sa depensang legal)

1113 FRONTISANG kilalang eksperto sa depensang legal ang matapang na nagbigay ng kanyang prediksyon sa reklamong “harassment, illegal detention, threats and coercion” na isinampa ng dating ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Isaias Samson laban sa pangasiwaan ng INC na kasalukuyang nakabinbin ang resolusyon sa Department of Justice (DOJ).

“Gaya ng aking nakinita noon, ang kaso laban sa mga pinuno ng INC ay mahina at malamang na hahantong sa pagkakabasura,” ayon sa iginagalang na batikang abogado na si Sigfrid Fortun, dahil sa lantad umanong kahinaang legal ng nasabing isinampang habla.

Ayon kay Fortun, ang reklamong naghihintay ng resolusyon sa DOJ, na ang kopya ay nailathala sa internet website ng ilang mga news services, “ay kinapapalooban ng mabulaklak na pangungusap kaya magandang basahin.”

“Ang problema, mukhang nakaligtaang tukuyin sa nasabing complaint ang mga pangyayari na pangunahing magpapatibay ng probable cause pasa sa mga paglabag na kriminal na inirireklamo ni Mr. Samson. Ito ang nawawalang pangangailangan upang ang nasabing habla ay umusad gaya ng hinihingi nila,” paliwanag ni Fortun.

Pinuna din ng batikang abogado ang napakaraming alegasyon hinggil sa pagkuha ng mga cellphone at computer mula kay Samson at miyembro ng kanyang pamilya ”ngunit ang nakakapagtaka kung bakit ni isang charge o habla ng pagnanakaw, theft o robbery ang isinampa. Sa aking palagay, lahat ng mga sinasabi nilang kinuha ay hindi talaga pag-aari ng mga Samson.” 

Dagdag ni Fortun, may mga paratang din doon ng pagwawaldas o hindi tamang paggugol ng pera laban sa mga pinuno ng INC ngunit pinuna din nito ang kawalan ng kriminal na reklamong estafa.

“Bukod sa marami pang iba, may habla sila para sa ‘harassment,’ isang reklamong ni depinisyon o pakahulugan nga ay hindi nakasaad bilang isang krimen sa Revised Penal Code,” bigay diin ng abogadong nagpakadalubhasa sa UP.

Sinabi na Fortun na ang salitang “house arrest” ay tahasang ipinagwagwagan sa nabanggit na reklamo “ngunit kahit na sinong maayos na abogado ay magsasabi na walang pribadong indibidwal ang maaaring maglabas ng ‘order of arrest’ laban sa kahit na sino dahil tanging ang Estado lamang ang maaaring magpaaresto.”

“Kung napapansin natin ang mga kahinaang ito, hindi malayong makita din ito ng mga abogado sa DOJ – at wala silang puwedeng gawin sa pagkakatong ito kundi ang ibasura ang kaso.”

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *