Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alonzo muntik mag-walk-out sa Wang Fam presscon

111315 alonzo muhlach

00 fact sheet reggeeKAPANSIN-PANSING wala sa mood si Alonzo Muhlach sa presscon ngWang Fam dahil mainit ang ulo o umiirap kapag hindi niya type ang tanong.

Bago nagsimula ang Q and A ng Wang Fam ay na one-on-on interview muna namin ang bagets kasama ang ilang entertainment press at editors at napansing medyo pataray ang mga sagot niya kaya kaagad naming tinanong na, ‘kulang ka ba sa tulog o inaantok ka?’

Kaagad namang sumagot si bagets ng, ”hindi po.”

Sinundot namin ng tanong kung sikat na si Alonzo? ”Opo, kasi nagka-‘Wang Fam’ pelikula na ako. Artista po kasi kami,” katwiran ulit sa amin.

Noon pa ay tinanong na raw ni Nino ang anak kung gusto nitong mag-artista at sumagot naman daw ng, ”okay kaya naging artista na ako.”

Bakit gustong mag-artista ni Alonzo? ”Para may money kami,” inosenteng sabi ng batang aktor sabay tanong namin kung nasaan na ang money niya, ”nasa bahay.”

At nang biruin naming pupunta kami sa bahay nila para kumuha ng money ay biglang nag-tiger look si Alonzo na ikinaloka ng mga katoto.

At showbiz na sumagot si Alonzo dahil sa tanong mo kung sino ang magaling umarte sa cast ng Wang Fam, “lahat po kami.”

Sundot na tanong namin kung sino ‘yung parating napagagalitan ni Direk Wenn Deramas o laging tinuturuan kung ano ang gagawin at pinaulit-ulit ang pinagagawa, ”’yung staff,” sagot ng bagets kaya nagkatawanan ulit ang lahat.

Sa artista, sino ang laging pinauulit ni direk Wenn ang acting? ”Wala, wala po,” diin ulit ni Alonzo.

Kaya tinanong namin kung sino ang nagturo sa kanya at sumagot ito ng,”wala, basta,” tonong tinotopak na si Alonzo.

At parang napikon si Alonzo ng biruin siyang ‘napagalitan ka raw ni direk Wenn, eh’ dahil bigla siyang tumayo at sumimangot. Kaya sinabihan naming hindi maganda ang napipikon, bawal ‘yun.

Hiniritan din ng isa pang tanong si Alonzo tungkol kay Ryza Mae Dizonkung nagkita na sila at tumango naman ang bagets at sa tanong namin kung type niya, ”bestfriend lang kami. Hindi ko naman siya crush kasi friends lang kami. Wala akong crush,” pairap na sagot ng bagets.

At sa Q and A ay natanong ang buong cast ng Wang Fam kung sakaling na-stranded sila sa isang lugar na walang puno at walang makuhang pagkain ay sino ang una nilang kakainin.

At karamihang isinagot ng cast na sina Pokwang, Dyosa Po Koh, Attak, Candy Pangilinan, at direk Wenn ay si Alonzo dahil nga bata pa ay hindi ito nagustuhan ng batang aktor.

“Tao nga, bakit kailangang may kainan, tao nga,” pasigaw na sagot nito sa nagtanong na pigil na pigil naman sina direk Wenn at Pokwang.

Mukhang hindi nga nakatulog ng tama si Alonzo, ha, ha, ha, ha.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …