Sunday , December 22 2024

Martial Law mauulit (Pag si Roxas sapilitang ipinanalo)

1112 FRONT“KUNG makikita sa paraan ng kampanya ni Mar Roxas ang takbo ng kanyang pangangasiwa, ikinakatakot ko mang sabihin – dapat na nating paghandaan ang mamuhay sa ilalim ng isang defacto MAR-tial law.”

Ito ang babala ni BAYAN Secretary General Renato Reyes kasabay ng kanyang tugong pahayag sa deklarasyon ni Roxas na “kami ay mangangasiwa sa paraang hindi kaiba sa paraan ng aming pangangampanya.”

Binigyang-diin ng kilalang aktibista na maaaninag sa mga taktikang ginagamit ng pambato ng administrasyon bilang bahagi ng kanyang estratehiyang ‘manalo kahit papaano’ o “win at all costs”  ang malinaw na ‘pangitain’ ng “dictatorial tendencies” ni Roxas.

“Ang sistematikong pagtanggal sa karera ng mga karibal; paggamit sa pondo, kagamitan at mga kawani ng gobyerno upang manalo; at ang paggamit ng kapangyarihan upang iumang ang banta ng panggigipit sa mga politikong lokal na ayaw sa ‘yo – kung lahat nang ito’y handang gawin ni Roxas upang manalo, malinaw na hindi siya magdadalawang-isip na ipatupad ang mga paraang ito upang makuha ang kanyang mga hinahangad sakaling maluklok bilang pangulo,” babala ng lider ng mga grupong progresibo.

Kaakibat ng banta ng kasong administratibo, napabalita kamakailan ang panggigipit sa mga lokal na kasapi ng LP upang pilitin na suportahan si Roxas. Sa Negros Occidental, ilang lokal na opisyal umano ang pinagbantaan ng makapangyarihang United Negros Alliance (Unega) na papahirapan ang kandidatura kapag tumangging suportahan si Roxas.

Ang nasabing banta, ayon sa mga ulat, ay mariing idineklara ni re-electionist Gov. Alfredo Marañon, Jr., pinuno ng Unega, kasabay ng pangakong tatapatan ng kalaban ang sino mang politikong kokontra kay Roxas.

“Kung sa NAIA, may laglag-bala, sa LP may laglag-partymates,” pasaring ni Reyes na tukoy ang malaking kontrobersiya ng pangongotong sa mga  kawawang biyaherong OFW at turistang binibiktima ng sindikatong binubuo ng ilang kawani sa mga paliparan sa Maynila.

Binatikos din ni Reyes  ang pambato ng administrasyon dahil sa sunod-sunod na “disqualification case” na isinampa laban sa presidential frontrunner na si Senator Grace Poe. Mariin ding kinondena si Roxas dahil sa pagpapakalat ng “malisyosong tsismis” na may cancer si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at sa agresibong mga hakbang upang ipakulong si Vice President Jejomar Binay.

“Kaliwa’t kanan ang mga senyales. Unti-unting tinatanggal ng kampo ni Roxas ang mga kalaban sa politika sa pamamagitan ng mga kasong kriminal at administratibo bilang bahagi – kunwari – ng kampanya ng administrasyon laban sa katiwalian,” ayon kay Reyes.

“Bagamat ang ilan ay may basehan, nakapagdududa ang ‘timing’ at ang ‘piling-piling pagpapatupad’ ng kampanyang ito. Alalahanin nating ang ‘selective justice’ ay isa sa mga palatandaan ng isang dictador,” paalala niya. 

Bukod dito, kapansin-pansin din umano, ayon kay Reyes, ang “kawalan ng delicadeza” at “garapalang paggamit ng makinarya ng gobyerno sa mga gawaing pampolitika,” na ilan lamang sa mga kinasangkapan noon ng diktaduryang Marcos.

“Marahil ay napapansin din ninyong ang presidential spokesman na pinapasuweldo ng buwis mula sa karaniwang mamamayan ay garapalang nangangampanya para kay Roxas. Nandiyan din ang Official Gazette na lantarang kinapapaskilan ng sunod-sunod na artikulong nagtutulak sa kampanya ni Roxas. Huwag din natin kalimutan ang teka-tekang pagbibitiw ni Roxas sa DILG sa kabila ng deklarasyon niyang siya ay kakandidato bilang pangulo. Nag-iiikot pa nga at namudmod ng mga patrol jeep sa mga LGU,” diin ni Reyes.

Nagbabala din ang BAYAN leader laban sa paggamit ng pondo ng gobyerno sa kampanya ng LP at inulit ang ginawang pagpuna ng dating National Treasurer at Social Watch convenor na si Prof. Leonor Briones na kamakailan lamang ay ibinunyag ang patuloy na pagbukol ng taunang budget ng gobyerno dahil namimintog pa rin ang pork barrel hanggang ngayon.

Sa kanyang petisyong inihain sa Korte Suprema, iginiit ni Briones na ang 2015 budget ay may 30 bilyong pisong “pork barrel funds” na malamang ay gagamitin ng administrasyon upang kopohin ang suporta ng mga lokal na opisyal sa darating na halalan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *