Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JaDine, all out sa kanilang kissing scene; pagbuka ng bibig kapansin-pansin

033015 Jadine

00 fact sheet reggeeSAKSI ka Ateng Maricris na talagang pinag-uusapan kahit saan ang On The Wings Of Love dahil sa napakaraming kissing scenes nina James Reid at Nadine Lustre bilang sina Clark at Lea.

Kahapon bago nag-uwian ang mga katoto galing sa Wang Fam presscon ay ang kissing scenes nina Lea at Clark ang topic at talagang ang ganda-ganda raw at bumubuka na ang bibig ng dalawa.

Hindi na namin babanggitin kung sino-sino kayong mga katoto Ateng Maricris ang kinikilig sa JaDine ha ha ha.

Anyway, maganda nga ang tagpo noong Martes ng gabi sa OTWOL dahil nagulat kami nang magsigawan ang mga katabing unit namin dahil sa kissing scenes ng JaDine, susme hindi pa ba sila nasanay, eh, hindi na nga mabilang kung ilang beses nang naghalikan sina Lea at Clark?

Ang tagal daw kasi ng kissing scene at ilang takes sabay ikot pa ang kamera bagay na ikinabilib sa magka-loveteam dahil wala silang qualms na gawin iyon.

Komento nga ng ilang vewers na bukod tanging ang JaDine lang ang gumawa ng ganitong mga eksena dahil ang ibang love teams tulad ninaRichard Yap at Jodi Sta.Maria ay hindi naman ginawa ang ganoon, puro smack o dampi lang considering na mas may edad sila kompara sa JaDine.

Hindi rin nagawa ito siyempre ng Kath- Niel  (Kathryn Bernardo  at Daniel Padilla) at LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) dahil pawang mga bagets pa.

Sina Ms Amor Powers (Jodi) at Eduardo Buenavista (Ian Veneracion) ay hindi rin nagawa ang kissing scene na nagawa nina Lea at Clark.

Kaya hangang-hanga ang lahat sa JaDine dahil talagang all out sila para sa ikagaganda ng serye at para mahalin ang characters nila sa On The Wing Of Love.

Eh, kasi super in love rin si Direk Antoinette Jadaone sa kanyang boyfriend kaya maganda ang pagkaka-execute ng kissing scene ng Jadine at lumalabas iyon sa sa trabaho niya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …