Comelec pinasasagot ng SC (Sa extension ng voters registration)
Hataw News Team
November 12, 2015
News
INIUTOS ng Supreme Court sa Comelec na magkomento kaugnay sa petisyon ng youth group na naglalayong palawigin pa ang voters registration hanggang Enero.
Sinabi ni SC Public Information Office chief and spokesman Theodore Te, binigyan ng korte ang poll body ng 10 araw para isumite ang kanilang komento.
“The court directed respondent Commission on Elections to comment on the petition for certiorari and mandamus with application for preliminary mandatory injunction and/or temporary restraining order within a non-extendible period of ten (10)days from notice of resolution,” pahayag ni Te.
Sa kanilang 24-page petition for certiorari and mandamus, kinuwestiyon ng grupo ang legalidad ng dalawang resolusyon na ipinalabas ng Comelec na nagtakda ng registration deadline sa Oktubre 31.
Sinabi ng grupo na ang deadline ay dapat mapalawig hanggang Enero 8, 2016.
Kabilang sa petitioners sina Sarah Jane Elago, national president ng National Union of Students of the Philippines; Vencer Crisostomo, chairperson ng Anakbayan; Marjohara Tucay, national president ng Kabataan Party-list; Marc Lino Abila, national president ng College Editors Guild of the Philippines; Lean Porquia, national president ng BPO Industry Employees Network; Charisse Bañez, chairperson ng League of Filipino Students, at UP student Enriko Caramat.
Areas of immediate concern sa Region 10 ilalabas na (Sa 2016 elections)
CAGAYAN DE ORO CITY – May listahan na ang PNP Region 10 ng mga lugar sa Mindanao na posibleng isailalim sa “areas of immediate concern” kaugnay ng 2016 elections.
Ayon kay PNP-10 Spokesperson Police Supt. Gervacio Balmaceda Jr., kanilang ipakikita ang nasabing listahan sa Commission on Elections (Comelec)-10 sa Biyernes.
Dagdag ni Balmaceda, bukod sa kanilang listahan, may listahan din ang 4th ID, Philippine Army na isusumite sa Comelec upang mabigyan ng pansin.