Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Benjie, ‘di takot na makabubuntis si Andre; Yassi, ‘dad’ na ang tawag sa cager

111215 yassi andre benjie paras

00 fact sheet reggeeANG mag-amang Benjie at Andre Paras ang paboritong tanungin sa ginanap na Wang Fam presscon kahapon sa Music Hall, Metrowalk Pasig City dahil inaalam kung ano ang magiging reaksiyon ng una kapag nalaman niya isang araw na ang anak ay nakabuntis.

“Ako po, eh, nasa right age naman na siya (Andre), pero sa ngayon hindi ako natatakot kasi kung mangyayari ‘yun, sana nangyari na po.

“Hindi naman ako tumitigil na magpayo sa kanila as much as possible sabi ko na pilitin nilang magkaroon ng pamilya sa tamang panahon, (tulad) ikinasal sa simbahan, may blessing ang pamilya nila (pareho), ganoon (lang) po,” pahayag ni Benjie.

Kaya naitanong ito ay dahil alam naman ng lahat na nagkaanak si Benjie kay Jackie Forster noong edad 15 ito na kasikatan sa Regal Films.

Kaya binibiro si Benjie kung gusto nitong marinig ang kuwento ng veteran writers kung ano ang love story niya at kaagad namang nagsabing, ‘wag na lang po’ ng aktor.

102315 wang fam

At nang si Andre ang tanungin, ”ako naman po hindi ko po iniisip kasi the way dad told me na umiwas like kung may mga girl na lumalapit sa inyo at alam n’yong makasisira, just avoid them.

“Ako naman po kasi, bumabarkada ako sa mga tama maski sabihin ng ibang tao na they’re not cool or something, it doesn’t matter basta’t ka-jive mo or they understand you as a person, okay na po.

“Siguro po ‘yung mga nakabubuntis at an early age or the wrong time, siguro po, napapa-barkada sa mali, me naman kasi lahat ng mga kaibigang dinala ko sa bahay, boys and girls, in-approve niya (Benjie) kasi alam niyang nakare-relate siya sa akin and that’s important,” paliwanag ni Andre.

Kaya Ateng Maricris, minsan hindi totoo ang kasabihang kung anong puno, siyang bunga kasi iniwasan ni Andre ang nangyari sa daddy niya noong kabataan nito.

At sa dalawang ka-loveteam ni Andre na si Barbie Laforteza at Yassi Pressman, mas malapit si Benjie sa huli dahil nga bukod sa madalas niyang makita ang dalaga dahil kasama ng anak sa bahay at nakakasama pa niya sa pelikula at minsan ay nadudulas siyang tawaging, ‘dad.’

Paliwanag naman ni Andre, mas nauna kasi niyang nakatrabaho si Yassi simula pa sa Diary Ng Panget at iba pang shows kaya mas kilala siya ng pamilya niya.

Samantalang si Barbie ay sa programa sa GMA lang niya nakakasama at aminadong hindi pa n’ya naiimbitahang pumunta sa bahay nila.

Gagampanan ni Andre ang karakter na Duke Wang sa Wang Fam at mag-ama sila ni Benjie bilang si Bu Wang na talagang riot sabi mismo ng taga-Viva.

Mapapanood na ang Wang Fam sa Nobyembre 18 nationwide mula sa direksiyon ni Wenn Deramas mula sa Viva Films at kasama rin sinaPokwang, Candy Pangilinan, Dyosa Pockoh, Atak Arana, Abby Bautista, Yassi, Wendell Ramos, Joey Paras, at Alonzo Muhlach.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …