Friday , November 15 2024

5-M fake dollar bills nakompiska sa Negros (2 tiklo)

BACOLOD CITY – Agad sinampahan ng kasong illegal possession of false treasury bank note ang dalawang magsasaka na nahuling nagpapakalat ng pekeng US dollar bills sa Negros Occidental kamakalawa.

Ayon kay Supt. Levy Pangue, hepe ng Bacolod Police Investigation and Detection Management Unit, umabot sa $5 milyon ang halaga nang nakompiskang fake US dollar bills sa entrapment operation ng Investigation and Detective Management Unit (IDMU), Mobile Patrol Group, City Intelligence Unit at Police Station-8 ng Bacolod City Police Office (BCPO).

Ang mga sinampahan ng kaso ay kilalang sina Erwin Sicano, 31, at Frelie Toledano, 31, kapwa mga residente ng bayan ng Murcia, Negros Occidental.

Ayon kay Pangue, nakompiska mula sa dalawang suspek ang limang bundles ng $10,000 fake US bills at isang $100,000 pekeng pera.

Aniya, isang pastor ng simbahan na kasama ng mga nahuling suspek ang inaresto rin ng mga awtoridad ngunit kalaunan ay pinalaya rin.

Sa ngayon, payo ng awtoridad sa publiko na mag-ingat sa paglaganap ng mga pekeng pera sa Negros lalong-lalo sa pagsapit ng  Disyembre.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *