Friday , November 15 2024

World best cuisines itinampok sa 1st Makati Food Festival

INILUNSAD ng city government ng Makati sa pamamagitan ng City Museum and Cultural Affairs Office (MCAO), ang unang Makati Food Festival (MFF) na nagtampok sa Filipino at international cuisines nitong Nobyembre 6-8, 2015 sa Greenbelt 3 Park, Ayala Center.

Sinabi ni Acting Mayor Kid Peña, ang tatlong araw na food festival ay nagtampok ng cooking demonstrations na pinangunahan ng renowned chefs at nagkaroon ng libreng food tasting.

Aniya, ang event ay naglalayong magbuo ng venue na itatampok ang pinakamasarap na Filipino cuisines at mga putaheng mula sa ibang bansa.

“We are happy that our city is finally launching its very own food festival. We will be having cuisines from Germany, Spain, Portugal, Belgium, and Indonesia, and a whole lot more. People will learn them through cooking demonstrations, and the best part is, they will enjoy it too as there will be food tasting,” pahayag ni Peña.

Pangungunahan ng apat na renowned chefs ang cooking demonstrations sa nasabing event.

Sa pagbubukas ng food festival nitong Biyernes, Nobyembre 6 dakong 5 p.m., si Chef Bambi Lichauco ang nanguna sa cooking demonstration.

Noong Sabado, Nobyembre 7, dakong 11 p.m., si Chef Nancy Reyes Lumen, kilala bilang si “Adobo Queen,” ang nanguna sa cooking demo, habang si Chef Jean Manuel Montil ang humalili dakong 5 p.m.

Sa huling araw ng food festival, Linggo, Nobyembre 8, isang chef mula sa Calidad Española Co., food company ng authentic Spanish chorizos, ang nagsagawa ng cooking demonstration dakong 11 a.m.

Kabilang sa mga lumahok sa 1st Makati Food Festival ang Filipino Heritage Festival, Ayala Center, Greenbelt, Glorietta, Belinyas, Brakinho, Fly Ace Corp, German Club, Embassy of Indonesia, Italfood and Mgourmet at iba pa.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *