Saturday , November 23 2024

Police blotter is a public document (Karahasan kinokondena ng ALAM, FOI ipasa, now na!)

Edmar EstabilloMUKHANG kailangan na talagang ipasa ang Freedom of Information (FOI) Bill.

Kung naipasa na ito noong nakaraang Kongreso, malamang may kinalagyan na ang abugagong ‘este’ abusadong pulis na gaya ni SPO2 Manuel Lason ‘este’ Laison.

Si Sarhento Laison po ang pulis na bumugbog, nanakal at nagposas kay DZRH news reporter Edmar Estabillo nang magpaalam sa kanya na nais niyang mabasa ang police blotter.

Nang dumating daw kasi si Edmar sa estasyon ng Marikina police ‘e walang nakapuwestong sarhento de mesa.

Kaya nang makasalubong niya si Laison ay saka siya nagsabi. Pero hinanapan nga siya ng ID. Hindi natin maintindihan kung bakit sa tagal nang nagko-cover ni Edmar ay hinahanapan pa siya ng ID ni Laison besides, police blotter is a public document.

Noong una ay nagbibiro pa si Edmar kung bakit kailangan pa niyang maglabas ng ID pero noong huli ay nagulat na lamang siya nang hilahin siya ni Laison sa isang lugar na hindi abot ng CCTV camera at doon siya sinakal, kinulata ng baril saka pinosasan.

Hindi lang ‘yan, kinompiska pa ang kanyang handheld radio at cellphone.

Ganyan ba kabarbaro ang mga pulis sa Marikina, Senior Supt. Vincent Calanoga!?

Akala natin ‘e lipas na ang panahon ng mga utak-pulbura sa hanay ng pulisya.

Hindi pa pala.

Mayroon pa palang natitira riyan sa Marikina police.

Anyareee Kernel Calanoga?!

Ang masakit pa, habang ginagawa ni Laison ang pang-aabuso at pandarahas kay Edmar, ‘e pinanonood lang sila ng ibang pulis kasama ang dalawang opisyal na sina senior inspectors Nicanor Lambino at Melanie Redon.

At para mapagtakpan ang kanyang ginawa, agad din daw sinampahan ng kaso ni Laison si Estabillo — meron pang direct asssult?!

Sonabagan!!!

Nag-cover lang ‘yung dzRH reporter, nakasuhan pa ng assault?!

Tama ba ‘yun?

Agad naman daw sinibak ni EPD District Director Gen. Elmer Jamias si Layson, pero ang tanong nga, ganoon na lang ba agad ‘yun?!

Paano naman ‘yung mga opisyal na pinanood lang ang ginawang pang-aabuso kay Edmar!?

Hindi ba dapat ay dumaan sa wastong proseso, para naman makita talaga kung ano ang naging kahinaan ng magkabilang panig kung bakit sila humantong sa ganoon?!

Uulitin lang po natin, pwedeng magtalo, pwedeng magdiskusyon, pwede rin magkasigawan, pero pwede po ba walang sakitan?!

Wala naman pong laban ang isang pangkaraniwang mamamayan laban sa mga unipormadong pulis.

Don’t shoot the messenger, please!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *