Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria, masyado pang bata para maging madrasta ni Ningning

111015 ria atayde ningning

00 fact sheet reggeeAKALA namin si Marco Gumabao ang makaka-loveteam ni Ria Atayde o Teacher Hope sa pang-umagang seryeng Ningning, hindi pala.

“Naku tita Reggee, hindi po, Marco will be my cousin sa story at saka sila po ni Maris (Racal), he, he, he wala po akong ka-loveteam,” masayang sabi ng baguhang aktres.

Sa madaling salita, wala pang napipiling ka-loveteam si Teacher Hope, ‘bakit hindi na lang kayo ni Ketchup (Eusebio) para magkaroon ng pangalawang nanay si Ningning,’ sabi namin kay Ria. “Ano ka ba tita Reggee, parang ang aga ko naman maging madrasta? Hindi po ba puwedeng ate or tita muna, 2nd mom agad?” katwiran ng dalaga.

Oo nga naman, unang teleserye ni Ria, gaganap na siyang nanay, baka naman ma-typecast na siya tama ba Ateng Maricris?

“Hindi naman po ako namimili ng role, parang nakatatawa lang, I like kuya Ketchup, okay kami,” sabi pa ni Ria.

Eh, kung galing na sa viewers ng Ningning ang mga request na si Teacher Hope na lang ang maging ‘nanay’ ni Jana Agoncillo?

“Ha, ha, ha, ha kaloka ka tita Reggee okay na rin para mas exposed sa mga scene, ha, ha, ha, ha,” natatawang sagot ng dalaga.

Oo nga, si Mamay Pacing (Sylvia Sanchez) muna ang bigyan ng love team (Rommel Padilla) bago si Teacher Hope.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …