Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3-M botante ‘di makaboboto sa 2016 Polls

TATLONG milyong botante ang posibleng hindi na makaboto sa gaganaping halalan sa susunod na taon.

Bunsod ito ng plano ng Commission on Elections na alisin na sa listahan (deactivate) ang mga botanteng nabigong sumalang sa biometrics.

Ayon sa Comelec, sisimulan na ang ‘deactivation’ ng registration records sa Nobyembre 16, 2015, para sa mga botanteng walang biometrics data.

Nilinaw gayonman ng Comelec na magsasagawa ng mga pagdinig ang Election Registration Board (ERB) para pakinggan ang ano mang pagtutol ng mga apektadong botante sa hakbang ng komisyon.

Nabatid na iniutos na rin ng Comelec sa kanilang local offices ang pagpapaskil ng listahan ng mga pangalang nabigong makapagpa-biometrics at maaalis sa voters list.

Alinsunod sa Mandatory Biometrics Registration Act of 2013, tatanggalin ang pangalan sa listahan ng mga lehitimong botante at hindi papayagang makaboto ang sino mang botante na mabibigong makapagpa-biometrics bago sumapit ang May 2016 elections.

Una na rin binalaan ng Comelec ang mga botante na hindi makaboboto kung mabibigo silang magpa-validate ng kanilang biometrics.

Upang ma-accommodate ang milyon-milyong botante na makapagparehistro at magpa-validate ng biometrics, pinalawig pa hanggang 18-buwan ng komisyon ang registration period o mula Mayo 6, 2014 hanggang Oktubre 31, 2015.

Sa datos ng Comelec, mayroon pang tatlong milyong botante na wala pa rin biometrics  ngunit bago sila tanggalin sa listahan, padadalhan sila ng notice ng Comelec.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …