Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA-7, binibili raw ng isang kilalang kompanya sa Japan

051215 GMA

00 fact sheet reggeeAWARE ka ba sa tsikang binibili ng kilalang kompanya sa Japan ang GMA-7Ateng Maricris?

Natanong kami ng aming source, ”do you know that a big company in Japan is buying GMA 7?”

Sabi pa, ”I was in a meeting with these Japanese investors for some projects then they told me na they’re having negotiations with GMA 7 and parang okay naman na. Hindi na kasi ako nagtanong regarding GMA. Anyway, I’ll let you know.”

Nabanggit din ng aming source na may meeting siya with the Japanese investors sa Trinoma Mall noong Sabado ng umaga, 10:00 a.m. at timing naman na kausap namin an gaming patnugot dito sa Hataw na may event daw siyang dadaluhan sa nasabing mall.

Special guest daw ang kilalang cosplayer na si Alodia (cosplayer) sa pagbubukas ng isang online store na pawang Japanese items ang laman at kasunod ay mayCool Japan Festival na ginaganap naman sa activity center ng Trinoma.

Samantala, nabanggit ng aming source na konektado sa Hallo2 Alliance company ang kausap niyang Japanese investors na bibili sa GMA 7 at tutulong din sa projects ng aming source rito sa Pilipinas.

Tsinek namin ang binabanggit na Hallo2 Channel ng aming source na may kinalaman pala sa online programming at custom-designed and personalized digital network.

Sa madaling salita, swak ang planong pagbili ng mga nabanggit na Japanese investor sa GMA network.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …