Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, friend sila ni Julia, pero ‘di nagpapalitan ng text

110815 sam milby julia montes


00 fact sheet reggeeTIMING naman na nakausap namin si Sam Milby nang i-launch siya bilang leading man ni Julia Montes sa Doble Kara na napapanood sa Kapamilya Gold noong Miyerkoles ng gabi sa Dong Juan Restaurant, Mother Ignacia Avenue, Quezon City.

Base sa teaser ng Doble Kara, nakitaan ng chemistry sina Sam at Julia at in fairness, hindi halatang 11 years ang agwat ng edad nila, 31 ang aktor at nasa 20 ang aktres.

Posible bang ma-in love si Sam sa katulad ni Julia na malaki ang agwat ng edad nila,”yes, depende (sample). I’m 35 now and she’s 25 puwede for me, but if I’m 25 and she’s 15, it’s too young parang hindi naman puwede.

“Its ‘really depend on the person, like maturity, there’s good connection, love knows no boundaries even with age and that’s the truth, so puwede,” katwiran ng binata.

Inamin ni Sam na magkaibigan sila ni Julia pero hindi naman sila ‘yung tipong nagte-textsan o madalas mag-usap, ‘pag nagkikita lang ay batian naman.

At sa one-on-one interview namin kay Sam pagkatapos ng presscon ay binanggit niyang seminarista ang papel niya sa Doble Kara at hindi siya natuloy sa pag-pari dahil na-in love siya kay Julia bilang si Mara at Kara.

Kaya balik-tanong namin kay Sam kung sumagi sa isip niyang maging Pari pagdating ng araw.

”Hindi,” sabi kaagad ni Sam.

Samakatuwid, maging artista ang type niya kasi sumali siya sa Pinoy Big Brother 1st season.

“Hindi rin kahit noong nasa States pa ako, kasi hindi naman ako nag-drama, nag-musical noong high school, so wala akong experience sa drama.

“I’m more into sports, ice skating, wrestling, motocross, golf, hindi ko talaga naisip and for the fact na I have stage fright that’s why I didn’t expect,”  pagtatapat ng aktor.

Ang talent manager ngayon ni Sam na si Erickson Raymundo ng  Cornerstone Talent Management daw ang nagsabing subukan niyang mag-PBB at dito raw nagsimula ang lahat ng suwerteng dumating sa buhay niya kaya panay ang pasalamat niya sa lahat ng sumuporta sa kanya sa loob ng 10 years.

Nagpapasalamat din si Sam sa ABS-CBN sa tiwalang ibinibigay sa kanya at siyempre ang Dreamscape Entertainment.

At dahil si Julia na ang leading lady niya ngayon ay natanong kung naging crush niya ang dalaga.

“May paghanga pa rin ako sa kanya, I always find her beautiful. Well, I always find her beautiful definitely,” paulit-ulit na sabi ni Samuel Lloyd.

Sa madaling salita, nawala na ang pagkakaroon ng crush o kilig ay dahil may Mari Jasmine na sa buhay ni Sam, ”huh?” kunwaring nagulat ang aktor.

Inulit namin ang tanong kung sino si Mari Jasmine sa buhay niya, ”basta pagdating sa kung sinuman ang inspiration ko, ayoko pang i-share kasi masyado pang early, masyado pang maaga, I’d rather not talk about it,” paliwanag ni Sam.

Sinabi namin sa mga supporter nila ni Mari Jasmine galing ang link sa social media accounts nito kasama na ang naggagandahang litrato.

“Ah, baka assuming lang. Kung sinuman ‘yan, baka assuming lang,” pag-iwas ng aktor.

Ikinatwiran naming hindi assuming ang fans dahil pareho silang pina-follow at nakikita nilang parehong nagla-like sa mga post.

Pinandidilatan na kami ng mga mata ni Sam na parang sinasabing tantanan na namin siya, Ateng Maricris.

Nasa anong stage na ba ang relasyon nina Sam at Mari Jasmine?

“Ha, ha, ha like I said, kung sinuman ‘yung inspiration ko, I don’t want to share, it’s too early, ayaw ko pang i-share,” diin ni Sam.

Sinundot namin kung ‘dating’ na sila tutal nabanggit naman din ni Sam sa nakaraangMilby Way presscon na, ”I’m seeing someone now.”

“Pero in terms of who, what stage we are, wala, it’s too early,” muling sabi ni Sam.

Binanggit namin kung paano kung may lalabas ng litrato at pangalan ng babaeng inspirasyon niya, ”ayoko rin, too early.”

Katwiran namin na isinulat na naming, ibinigay na ng fans ang link ng IG account ni Mari Jasmine.

“Well, that’s (opinion), maybe they wanna want to guess or anything who it is, that’s fine, basta hindi galing from my side, I’d rather not talk about it, as I’ve said, it’s too early, I don’t wanna share yet,” iwas talaga ng actor.

Pero kilala mo si Mari Jasmine? ”Ha, ha, ha, ha yes,” tawang-tawang sagot ni Sam.

Tinanong namin kung saan nagkakilala sina Sam at Mari Jasmine at kung kilala niAnne Curtis ang bagong inspirasyon ng aktor since pareho silang Australian?

“Tanungin ninyo siya (Anne), I don’t know,” tawang-tawang sagot pa rin ng aktor.

At binanggit nga namin ulit kay Sam na Australian citizen pala si Mari Jasmine dahil Australian passport ang gamit niya.

“I-tweet n’yo na lang siya (Mari Jasmine), ah talaga, Australian pala siya,” kunwang nagtatakang sagot ni Samuel pero nakangiti.

Kailan aaminin ni Sam si Mari Jasmine? ”Sa tamang panahon and kasi it’s too early nga.”

O sige na nga, hihintayin namin ang tamang panahon, Samuel habang pinanonood namin ang Doble Kara mula sa direksiyon ni Erik Salud handog ng Dreamscape Entertainment.

 FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …