Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangarap ni Ibyang na makapaglakad sa red carpet ng Hollywood, natupad na!

110515 sylvia sanchez

00 fact sheet reggeePAALIS na bukas, Biyernes si Sylvia Sanchez patungong Los Angeles, California, USA para tanggapin ang Gawad Amerika Awards para sa kategoryang Most Outstanding Filipino Performer In Film and TV para sa pelikulang The Trial at seryeng Be Careful With My Heart.

Dream come true ito para kay Ibyang dahil noong nagpa-picture kami sa Walk of Fame at sa Grand Stairs ng Dolby Theater, Hollywood California, Disyembre 12, 2014, na ginaganap ang taunang Oscars ay pabirong sinabi ni Ibyang na, “balang araw, isa ako sa lalakad d’yan, tatanggap din ako ng award.”

Siyempre, nagkatawanan lang kaming lahat sa sinabing iyon ng aktres Ateng Maricris dahil parang imposibleng mangyari kasi wala naman siyang pelikula na kasama sa Oscars o ibang international awards.

Maging si Ibyang that time ay natawa rin at sabay sabing, “bakit, libreng mangarap so itodo na natin.”

Oo nga naman dahil kami rin naman ay nangarap ding makatuntong sa famous grand stairs ng Dolby Theater at nagkatotoo naman.

Kaya nang makatanggap si Sylvia ng imbitasyon sa Gawad Amerika Awards para tumanggap ng award sa Sabado Nobyembre 7 sa Celebrity Center, Hollywood, California, USA ay talagang nagtatalon siya.

Dahil wala pang isang taon ay matutupad na ang pangarap niyang lumakad sa red carpet sa Hollywood kahit hindi sa mismong Dolby Theater ang venue ng awards night.

Sabin g aktres, “’yung pangarap ko, matutupad na sa 7 (November) yahoooo, katuwa. Lahat yata ng sinasabi ko, nagkakatotoo in God’s time.”

Makakasamang umalis ni Ibyang ang partner in life niyang si Art Atayde at kahit gusto niyang isama ang mga anak ay hindi puwede dahil may tapings sina Arjo at Ria Atayde at may pasok sa eskuwelahan sina Gela at Xavi Atayde.

Naalala pa namin noon na panay ang tanong ni Ibyang kung sakaling papasok sa showbiz ang panganay niyang anak na si Arjo ay makikilala kaya.

Ang sagot ay heto, sobrang kilala na dahil maraming viewers ang nagagalit kay Arjo bilang kontrabida ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsiyano na napapanood gabi-gabi sa ABS-CBN.

Sa seryeng E-Boy ng Star Creatives unang napanood si Arjo sinundan ng Dugong Buhay at Pure Love bago napunta sa Dreamscape Entertainment.

Ang ikalawang anak ni Ibyang na si Ria ay gustong-gusto na ring mag-showbiz bata pa lang pero pinigilan siya ng magulang at sinabing magtapos muna ng pag-aaral at palibhasa gustong matupad ang pangarap kaya sinunod ang magulang at ngayong tapos na siya sa kolehiyo ay hinyaan siyang mag-showbiz.

Tulad din ng tanong ni Ibyang noon kay Arjo, kung maga-artista ba si Ria ay tatanggapin din.

Sabi namin na pasok si Ria dahil maganda ito pero para sa amin at mas bagay na TV host dahil very articulate at maganda ang rehistro sa screen, pero mas gusto raw ng anak ang umarte sa harap ng kamera.

Kailan lang iyon at heto, natupad na naman ang pangarap ni Ibyang dahil napasama na si Ria sa Ningning bilang si Teacher Hope na daingan ni Jana Agoncillo ng problema sa school.

Sabi nga ni Ibyang, parang kailan lang ay ipinapanalangin niya sina Arjo at Ria na sana makasama niya sa isang project at natupad na.

Kaya tinanong namin ulit ang Famas Best Supporting actress kung ano pa ang mga pinapangarap niya para sa sarili o sa mga anak?

”Intact pamilya ko habambuhay, good health, happiness, peace of mind, career naming mag-asawa’t mga anak ko, bahala na ang Diyos, siya ang nakaaalam niyan.

“Sana lumaki lahat ng anak kong mabubuting tao at I want to grow old with Art (Atayde-asawa) hanggang sa huling hininga ko siya ang gusto kong makasama, Reggee.

“Kaya roon sa mga umaaligid-aligid kung mayroon man, ha, ha, ha, huwag na kayong magtangka kasi hindi ako hihiwalay sa asawa ko at hindi ako pipirma ng annulment hahaha, ipaglalaban ko hanggang kamatayan, bwahahaha,” humahalakhak na sabi sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …