Friday , November 15 2024

Pakistani, misis na pinay tiklo sa ilegal na anti-rabies vaccines

1105 FRONTNAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines)  at RA 9711 (Food and Drug Administration Act) ang isang Pakistani national at misis niyang Filipina sa Parañaque City.

Dinakip kamakalawa ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakabase sa National Capital Regional Police Office (NCRPO), ang mag-asawa dahil sa illegal na pagdi-distribute at pagbebenta ng anti-rabies vaccines na nagkakahalaga ng mahigit P.3 milyon, sa isang entrapment operation.

Nakapiit na sa detention cell sa CIDG-NCRPO ang mag-asawang sina Kabir Ahmed Hajano, 49, at Shirley Hajano, 37, ng Brgy. San Dionisio ng nasabing siyudad.

Inireklamo sa pulisya ng Sanofi Pastuer Inc. ang mag-asawa bunsod nang illegal distribution at pagbebenta ng Verorab vaccines, isang uri ng gamot para sa anti-rabies ng mga aso.

Agad naglunsad ng entrapment operation ang mga operatiba ng Anti-Fraud and Commercial Crimes Division (AFCCU), CIDG-NCRPO sa SM Sucat ng naturang lungsod kamakalawa ng gabi na nagresulta sa pagkakahuli sa mag-asawa at pagkakakompiska sa anti-rabbies vaccines na nagkakahalaga ng P320,000.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *