Wednesday , April 16 2025

Maniobra sa kalaban itinanggi ng Palasyo (Sa 2016 polls)

WALANG isinasagawang maniobrang legal ang Palasyo para walisin ang malalakas na makakalaban ng manok ng administrasyon na si Mar Roxas sa 2016 presidential election

Ito ang sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte kaugnay sa mga paratang na gumagamit ang administrasyon ng koneksyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan partikular na sa Korte Suprema, Senate Electoral Tribunal (SET), Commission on Elections (Comelec) at Office of the Ombudsman

Hindi aniya kukonsintihin ni Pangulong Benigno Aquino III ang maruming pamumulitika at makakaasa ang mga kalaban ng administrasyon sa halalan na magkakaroon nang malinis at patas na eleksyon

Ayon pa kay Valte, hindi maitatanggi na ang Pangulo ang nagtatalaga ng mga opisyal ng mga nabanggit na ahensiya ngunit hindi ibig sabihin nito ay gagamitin sila para maalis ang mga balakid para manalo ang manok ng administrasyon

Napaulat na ang sinasabing pangunahing target ng black operations at legal maneuver ay si Sen. Grace Poe.

About Rose Novenario

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *