Sunday , December 22 2024

P626-M unlawful bonuses sa GOCCs ipinababalik ng CoA

NAISUMITE na ng Commission on Audit (COA) ang 479-page 2014 Annual Financial Report (AFR) na nakapaloob ang hindi awtorisadong P626 million bonuses, allowances at incentives ng mga opisyal at empleyado ng 28 government-owned and controlled corporations (GOCCs).

Sa nasabing report, nabatid na nilabag ng GOCCs ang patakaran kaugnay sa sahod, allowance, at bonuses ng kanilang mga opisyal at empleyado.

Magugunitang pagpasok ng Aquino administration, kabilang sa unang binatikos ni Pangulong Benigno Aquino III ang naglalakihang bonuses ng mga nasa GOCCs sa nakaraang administrasyon at nagkaroon ng rigodon sa kanilang pamunuan.

Bukod sa Office of the President, nabigyan na rin ng kopya ang Senado at Kamara at ipinababalik na ang nasabing bonuses.

Pinakamalaki sa nagbigay ng unlawful cash releases ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na umaabot sa P213.84 milyon.

Kabilang din sa nagbigay nang labag sa batas na bonuses at allowances ang Philippine Postal Corp. (PPC) – P30.644 milyon ; National Power Corporation (NPC) – P22.878 milyon; National Electrification Administration (NEA) – P20.625 milyon; Human Settlements Development Corporation (HSDC) – P15.203 milyon; Cagayan de Oro City Water District (CdO WD) – P8.175 milyon; PNOC Alternative Fuels Corporation (PAFC) – P3.329 milyon; Metro Kidapawan Water District – P3.28 milyon; National Transmission Corp. (Transco) – P2.97 milyon; Butuan City Water District – P2.638 milyon Development Bank of the Philippines Data Center Inc. (DBP-DCI) – P1.984 milyon; Malaybalay Water District – P1.776 milyon; Food Terminal Inc. (FTI) – P1.169 milyon; Sibulan Water District – P1.095 milyon; Borongan Water District – P675,000; Industrial Guarantee and Loan Fund (IGLF) – P604,000; Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) – P540,000; Dumaguete City Water District – P480,000; People’s Credit and Finance Corporation (PCFC) – P368,000; Baguio City Water District – P275,000; Philippine National Railways (PNR) – P189,000; Philippine Center on Economic Development (PCED) – P42,000; Metro Bangued Water District – P30,000; Tagoloan Water District – P25,000, at International Broadcasting Corp. 13 (IBC-13) – NQ (not quantified).

Unang nalagay din ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa nasabing listahan ngunit sa kanilang paliwanag, iginiit na hindi sila maaaring kuwestiyonin dahil mayroon silang fiscal autonomy.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *