Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

British Pinay model, bagong idinedate ni Sam

102015 sam milby

00 fact sheet reggeeSIGURO naman ay matatapos na ang tsikang si Sam Milby ang textmate ni Maja Salvador.

Marami kasing nagsulat na si Sam daw ang laging nagte-text sa aktres na hindi naman kinompirma ng dalaga.

Sa The Milby Way concert para sa 10th year anniversary na ginanap sa Felicidad Mansion along Baler Street, Quezon City ay inamin niyang may gusto siyang non-showbiz girl.

Sabi ng Rockoustic Heartthrob, “technically, I’m seeing someone naman.”

Hindi pa binanggit ni Samuel Lloyd kung ano ang pangalan ng girl na idine-date at ang kuwento sa amin ng aming source ay print ad at commercial model daw at kasalukuyang may umeereng TVC tungkol sa shampoo o skin care.

Inamin din ng aktor na sadyang ayaw niyang magkaroon muna ng karelasyon nang hindi naman siya sigurado.

“Ayokong magkaroon ng girlfriend just to say na may girlfriend ako. Kung magkaka-girlfriend ako because I’m in love. But I’m really bit picky and I’m seeing someone, inspired naman (ako),” paliwanag ng aktor.

Manonood ba ang girl sa Milby Way concert niya sa KIA Theater sa Nobyembre 28?

“Hindi ko alam,” tumawang sabi ni Sam sabay dugtong, “baka?”

Pero sabi naman ng aming source ay talagang manonood si girl kasama ang common friends nila ng binata.

As usual, muling tinanong ang singer/actor tungkol sa plano niyang pag-aasawa at inamin naman niya na, “in 10 years, sana may family na ako, sana may mga anak na ako, but since I’m a guy, wala namang pressure kasi my dad had me when he was 49 (years old), and now he’s 81 (malakas pa rin).”

May tatlong taon pa si Sam para mag-ipon nang husto dahil sabi nga niya maga-asawa na siya pagtuntong ng 35.

Sobrang nagpapasalamat din ang aktor dahil bukod sa upcoming primetime teleserye na Written In Our Stars ay may isa pa siyang serye na kasalukuyan ng umeere ngayon na kasama na siya, ang Doble Kara.

“It’s my first time now na magkaroon ng dalawang teleserye, kasi before (bago palang si Sam), isang teleserye at isang pelikula. So medyo mahirap sa schedules, but I’m happy kasi sobrang blessed ako,”kuwento ng aktor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …