Sunday , December 22 2024

Abaya, Honrado kinasuhan sa ‘tanim-bala’ controversy

NAGHAIN ng reklamo sa Office of the Ombudsman sina Sen. Alan Peter Cayetano at anti-crime advocate Dante Jimenez laban sa government officials na kabilang sa sinasabing ‘tanim-bala’ extortion scheme sa NAIA.

Ang respondents sa ginawang joint complaint nina Cayetano at Jimenez ay sina Transportation and Communications Secretary Jose Emilio Abaya, at Manila International Airport Authority General Manager Jose Angel Honrado.

Kasama rin sa reklamo sina Office for Transportation Security (OTS) Administrator Roland Recomono, at PNP Aviation Security Group (PNP-AvSec) director, Chief Supt. Pablo Francisco Balagtas.

Hinihiling din ng complainants na suspendihin ang nabanggit na mga opisyal habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Pangunahing dahilan nina Cayetano ay dahil sa sinasabing kapabayaan ng mga nabanggit na opisyal at isyu sa ‘command responsibility’ na nakasaad sa Executive Order 226.

Bukod kay Cayetano, kabilang din ang ilang senador na sina Grace Poe, Miriam Defensor-Santiago at Ralph Recto na nagsampa ng resolusyon para makialam din ang Senado sa imbestigasyon. 

Niño Aclan

Whistleblower sa ‘Tanim-Bala’ sa NAIA ihaharap sa Kamara

NAKAHANDA si House committee on good government and public accountability chairman, Pampanga Rep. Oscar Rodriguez na ipresenta sa Kamara ang sinasabing “whistleblower” sa ‘tanim-bala’ modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa pagbabalik ng sesyon sa Kongreso, ang komiteng pinamumunuan ni Rodriguez, at ang House committee on transportation na pinamumunuan ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, ang aasahang magsisiyasat sa ‘tanim-bala’ incidents sa NAIA.

Ayon kay Rodriguez, agad nilang ipatatawag sa imbestigasyon ang nagpresentang whistleblower kapag natukoy na ang pagkakakilanlan nito.

Palasyo ‘tahimik’ sa ‘tanim-bala’

TIKOM na ang bibig ng Palasyo sa kontrobersiyal na isyu ng tanim-bala scam sa NAIA.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ayaw niyang pangunahan ang imbestigasyon ng Department of Transportation and Communications (DoTC) sa sunod-sunod na insidente ng tanim-bala sa NAIA.

Aniya, bago matapos ang linggong ito, ihahayag ni DoTC Secretary Joseph Emilio Abaya sa publiko ang resulta ng kanilang pagsisiyasat sa usapin.

“I don’t want to preempt DoTC. Ayoko na lang pangunahan ang DoTC pero let’s just wait for them,” ani Lacierda.

Nanawagan si Lacierda na huwag lagyan ng kulay politika ang isyu, nais lang aniyang tiyakin ng Malacañang na matukoy ang tunay na problema upang mabigyan nang wasto at pangmatagalang solusyon.

Ipinauubaya na aniya ng Palasyo sa DoTC ang pagsagot sa mga kasong isinampa laban sa kanila ni Sen. Alan Peter Cayetano sa Ombudsman kaugnay sa command responsibility.

Rose Novenario

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *