Friday , November 15 2024

Bukidnon mayor, 3 pa guilty sa technical malversation

NAPATUNAYANG “guilty beyond reasonable doubt” ng Sandiganbayan Fifth Division si Kibawe, Bukidnon Mayor Luciano Ligan dahil sa technical malversation kaugnay ng illegal na pag-divert ng pondo noong 2002.

Batay sa 29 pahinang resolusyon na isinulat ni Associate Justice Maria Theresa Dolores Gomez-Estoesta, sinabi ng anti-graft court na si Ligan at tatlong iba pang municipal officials ay nagsabwatan para i-divert ang pondong nagkakahalaga ng P500,000 na aprubado ng municipal council para sa Kaamulan Festival ng kanilang bayan na ipinagdiwang noong Disyembre 2002 hanggang Enero 2003.

Ngunit imbes gamitin sa nararapat na proyekto, sinasabing inilaan ang pondo sa construction ng Tourism Function Hall.

Giit ng korte, kahit public project din ang paglilipatan ng alokasyon, hindi iyon basta maaaring gawin ng isang public official.

“The mere availability of funds from savings, if any, does not carry with it authority to use them for purposes other than those for which they were appropriated,” saad ng Sandiganbayan resolution.

Bukod kay Ligan, kasama rin sa mga hinatulan sina municipal treasurer Ma. Asuncion Codilla, municipal budget officer Narciso Chaves, Jr., at municipal accountant Ellen Piquero.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *