Friday , November 15 2024

Walang bodega ng smuggled rice (HCPTI naglinaw)

PINAWI ng pamunuaan ng Harbour Center Port Terminal Incorporated (HCPTI) ang pangamba ng publiko na nag-iimbak ng bigas ang pantalan na hinihinalang ismagel.

Dahil dito inimbitahan ang media para ipakita ang kanilang area at patunayan na rin ng management ng Harbour Center Port Terminal Inc., na walang imbakan ng bigas sa nasabing pantalan.

Ayon kay Melanie Lapore, Media VP for Communications ng Arto Holdings, mula barko idinidiskarga sa mga cargo truck at hindi inilalagay o iniimbak sa bodega dahil iisa lamang ang bodega nila na tanging cold coils ang nagmamantina ng temperatura.

Una nang napaulat ang alegasyon na may imbakan ng bigas sa loob ng Harbour Center bagamat hindi naman naapektohan ang takbo ng pantalan ngunit nakasasama umano ng loob dahil sa paratang.

Napatunayan din ng National Food Authority (NFA) na walang bodega sa loob ng Harbour Center sa ginawang inspeksyon ni NFA administrator Renan Dalisay.

Napag-alaman na ang kanilang mga produkto ay mula sa bansang China.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *