Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam at Jasmine, never daw nagkalabuan

102915-jasmine-curtis-sam-concepcion

00 fact sheet reggeeDAHIL sa Your Face Sounds Familiar ay umingay ang career ni Sam Concepcion dahil tuwing weekend siya napapanood at ngayon lang ulit siya nabigyan ng serye, ang malapit ng umereng You’re My Home kasama sinaRichard Gomez at Dawn Zulueta handog ng Star Creatives.

At dahil dito ay napansin si Sam ng mag-asawang Dr. Manny at Pie Calayan at kinuhang endorser ng Tenor Laser Non-Surgical Body Sculp.

Ayon kay Doc Manny ang gagawin daw ng Calayan Surgi Center kay Sam ay non-surgical at kasama rito ang abs (workout) para habang bata siya ma-develop na. Hirit naman ni Dra. Pie, ”at saka skin care talaga para lalong maging amazing.”

In fairness, perfect ang skin ni Sam kaya para ma-maintain ito ay tinanggap n’ya ang offer nina Drs. Manny at Pie para sa Tenor Laser Non-Surgical Body Sculp.

Samantala, muling natanong si Sam tungkol sa ex-girlfriend niyang si Jasmine Curtis na kasama niya sa play ay nabanggit ng singer/actor na wala naming isyu sa kanilang dalawa dahil naghiwalay sila bilang magkaibigan at hindi nawawalan ng komunikasyon.

Ipinaliwanag din ni Sam na expected niyang matatanong sila lagi ni Jasmin kung nagkabalikan na kasi nga in speaking terms sila at magkasama pa sa isang play,”inevitable talagang hindi matatanong, pero, I don’t think it something that we focus on, basta masaya lang. Basta, we’re just okay, maayos naman kami. This is what we’re experiencing now, communications are okay.”

Sa tanong kung anong mayroon kina Sam at Jasmin at maganda ang relasyon nila maski hiwalay na sila, ”kasi we experienced a lot together kasi, we grew together as well, hindi mo matatanggal ‘yun.”

Hmm, pero Ateng Maricris, ang sitsit kasi sa amin ay mukhang nagkabalikan sina Sam at Jasmin pero ayaw nilang ipaalam kasi nga maraming kokontra.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …