Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald, manonood ng Majasty kung iimbitahan ni Maja

102915 Maja Salvador gerald anderson

SA presscon ni Maja Salvador para sa kanyang Majasty concert ay tinanong siya kung iimbitahan ba niya ang ex-boyfriend na si Gerald Anderson para manood ng kanyang concert. Ang sagot niya, hindi na raw niya kailangang imbitahan pa si Gerald.

Bumili na lang daw ito ng maraming tickets. Hindi niya raw magagawang sabihin ‘yun sa dating minamahal kaya idinadaan na lang daw niya sa biro.

Nang matanong naman si Gerald sa presscon ng latest offering ng Star Cinema naEveryday I Love You na pinagbibidahan nila nina Liza Soberano at Enrique Gilkung manonood siya ng concert ni Maja, ang sagot nito ay kung iimbitahan daw siya ng dating minamahal ay posibleng manood siya at isasama pa raw niya ang family at friends niya.

Willing daw siyang bumili ng tickets kahit daw sa VIP section pa kung iimbitahan nga raw siya ni Maja na manood ng conert.

Ayan Maja, manonood pala ng concert mo si Gerald, kung iimbitahan mo siya. So, huwag ka nang mahiya, imbitahan mo na siya. Dagdag din sa kikitain ng concert mo ang bibilhing tickets ni Gerald.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …