Friday , November 15 2024

2 dalagita hinalay nina kuya at tatay

IMBES proteksiyonan at arugain, mismong ang kanilang kuya at ama ang sumira sa kinabukasan ng dalawang dalagita na paulit-ulit na ginahasa sa kanilang barong-barong sa Area H, Gate 52, Parola Compound, Binondo, Maynila.

Kasama ang kanilang ina, inireklamo sa barangay hall ni Sam, 13, Grade 4 pupil; at Janna, 10, Grade 3 pupil, ang kanilang ama na si Paquito Abrigo, 43; at kuya na si Joel, 15, grade 7 pupil, na agad inaresto dakong 4 p.m. kamakalawa sa kanilang bahay.

Dinala na ng mga barangay tanod ang mag-ama sa Women and Children Protection Unit ng Manila Police District-Police Station 11 at pormal nang kinasuhan.

Ayon kay Jenny, 42, ina ng mga biktima, ipinagtapat ng kanyang mga anak na nitong Setyembre sila sinimulang halayin ng kanilang kuya at ama.

Nagkaroon lamang aniya ng lakas ng loob si Sam na ipagtapat sa ina ang nangyari bunsod ng payo ng kaibigan na pinagsumbungan ng dalagita.

“Tatlong beses na po akong ginahasa ni Papa, tinatakot po niya ako kaya hindi ako agad nakapagsumbong sa mama ko,” ayon kay Sam.

“Si Papa, isang beses lang ako ginalaw, si Kuya madami, paulit-ulit,” pahayag ni Janna.

Sa panig ni Joel, sinabi niyang natukso siyang galawin ang mga kapatid nang maengganyo siyang gayahin ang napapanood sa YouTube.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *