Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Star Cinema, may napili ng Darna; Onyok, puwedeng maging Ding

102815 onyok ANGEL sofia liza

00 fact sheet reggeeNAG-CONCEDE na si Angel Locsin bilang Darna dahil hindi na raw niya ito magagawa sa 2016 dahil nga sa sakit niya sa Spine na pabalik-balik na nakuha niya noong malaglag siya sa kabayo habang ginagawa ang pelikulang Love Me Again kasama si Piolo Pascual noong 2009.

Sa one-on-one interview ni Angel kay Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda ay inamin ni Angel na sobrang nalungkot siya dahil gusto rin naman daw niyang gawin ang Darna sa ABS-CBN na unang ginawa niya sa GMA 7.

Hindi naman itinago ng aktres na malaki ang nabago sa buhay niya simula nang gawin niya ang Darna kasama na ang pamilya niya.

Nabanggit ni Angel na isa sa mga araw na ito ay iaanunsiyo ng Star Cinema kung sino ang gaganap na Darna sa TV series.

Nasulat ko na rito sa Hataw Ateng Maricris ‘di ba na ipapasa na ni Angel ang bato ni Darna kay Liza Soberano pero hindi pa ito ina-anunsiyo ng ABS-CBN.

Ito ang sitsit sa amin ng aming source, pero may tsika ring kino-consider si Sofia Andres na maging Darna.

We have nothing against Sofia dahil gustong-gusto namin ang batang ito dahil mabait at magalang, hindi nga lang makatanda ng pangalan, pero hindi namin ito pine-personal dahil maayos kausap.

Pero mas bagay kay Liza ang papel na Darna dahil para sa amin ay perfect ang mukha niya at bagay ding naka-costume.

At ang gusto ng lahat na gaganap na Ding ay si Onyok sa seryeng Ang Probinsiyano dahil bibong bata, magaling umarte at mabilis ang memorya.

Kung tatanungin naman kami kung sino ang bagay na leading man ni Liza ay tiyak na si Enrique Gil ang sasabihin ng lahat kasi nga love team, pero para sa amin ay bakit hindi sumubok ng ibang young actor para naman hindi nakakasawa.

Anyway, hintayin na lang natin ateng Maricris ang anunsiyo ng Star Cinema kung sino ang final choice para maging Darna.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …