Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtakas ni Cho ipinabubusisi ni SoJ Caguioa

cho seongdae misonMAHIGPIT na ipinag-utos ni Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa na imbestigahan ang dalawang beses na pagtakas ng Korean fugitive na si Cho Saeng Dae mula sa kamay ng mga kagawad ng Intelligence Service, Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Sa kanyang unang Linggo bilang bagong Department of Justice (DoJ) Secretary, tila naging ‘pasalubong’ ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison, kay former Chief Presidential Legal Adviser Caguioa ang kaso ni Cho.

Ito ay binansagan ngayong “not once but twice” na ‘pagtakas’ ng South Korean fugitive na si Cho sa kanyang mga bantay sa ISAFP Detention  Center sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Kamakailan nagpatawag ng press conference si Mison matapos mahuli si Cho sa Parañaque City matapos tumakas sa BI Bicutan detention cell, pero muling tumakas sa pangalawang pagkakataon!

Si Cho ay sinabing sangkot sa human trafficking at ilan pang illegal na gawain sa kanilang bansa pero nakatakas sa kanilang bansa at nakarating sa Filipinas.

Noong unang tumakas ang Koreano, napabalitang tumataginting na P1-M umano ang ibina-yad. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About JSY

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …