Cabuyao, Laguna walang Solid Waste Management Plan pero nagbayad ng P75.8-M sa hakot ng basura?!
jsy publishing
October 28, 2015
Bulabugin
MUNTIK raw mahilo ang Commission on Audit (COA) nang makita ang malaking ginastos ng local government ng Cabuyao, Laguna na halagang P75.8 milyones sa hakot ng basura.
Ang kasalukuyang mayor po ng Cabuyao ay si Mayor ISIDRO HEMEDES.
Ang halagang P75.8 milyones ay napunta umano sa RC Bella Waste Management & Disposal Services na pag-aari ng isang Rommel Cantera Bella.
Pinaniniwalaan ang kontratang hakot-barusa ay hindi dumaan sa ano mang proseso ng bidding at walang maipakitang kopya ng kontrata sa COA.
Naghinala ang COA na mayroong malaking anomalyang nagaganap dahil noong 2014, pare-pareho ang halagang sinisingil ni Bella sa local government unit.
Halimbawa, noong Enero 1-15 at P3,609,420 at ganoon din para sa Enero 16-31. Ganoon din ang kuwentada sa mga susunod na buwan.
Aba s’yempre “shock to the max” ang COA kaya naman pinagpapaliwanag nila ang LGU kung bakit iisa ang presyo at singil sa hakot basura?!
Anyaaaareeee?!
By the way, ang gastos na ‘yan sa hakot-basura ay kasama sa P105-milyong PLUNDER case na inihain laban kay Hudas ‘este’ Hemedes.
Kaya naman sa korte na magpapaliwanag si Hemedes!
Ang matindi, dahil last term na ni Cabuyao Mayor Hemedes, ang kanyang anak naman ang pinatatakbong Alkalde at siya naman ay Vice Mayor!
Sonabagan!!!
Family corporation na ba ang Cabuyao local government!?
Basura pa more!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com