Sinabi niya ang top priorities sa kanilang lugar na dapat tutukan. “Medical, education, and livelihood. These are the top three, kasi talagang different yung situation in my town.
“Medyo hindi natutugunan ng pansin… our hospital, we don’t have an ambulance. Sa education, although it’s okay, but marami pang puwedeng gawin. Andyan din yung out-of-school youths, then there’s also the issue of drugs. There are so many things… we do group discussions every month, lumalabas pa talaga, and marami akong natututunan.”
Makikita rin daw ang ang women empowerment sa kanilang grupo dahil tatlo silang babaeng kandidato rito. “Yes, ka-team ko ang incumbent Congresswoman Aileen Buhain Ermita and Ms. Leni Pantoja as mayor, and myself.”
Nagpapasalamat din si Andrea dahil maraming nag-aalok ng kanilang tulong at suporta sa kanyang kandidatura mula sa mga kaibigan sa showbiz.
“Ang tumulong na sa akin ay si Direk Maryo J. Delos Reyes, director ko sa Munting Heredera, Pare Koy, etc. Pinadala niya ang Masculados, naka-alalay din sina Marissa Sanchez, mga Hotbabes, Patricia Javier…
“Iyong iba hindi pa nakakapunta (sa Calatagan), but they are willing to show support like Regine Tolentino and other close friends. Boss Vic del Rosario also said he will help me with our jingle or song. Richard Quan and Direk Connie Macatuno want to help me with my ads. So, I am blessed with all this wonderful souls.
“Also, iyong pictorials for my press pictures, the one with Bea are for free because of my professor in Ateneo who owns a studio,” saad pa ni Andrea.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio