WALANG takot ang isang basher ni Yaya Dub.
Nagpakuha kasi ito ng photo kasama ang standee ni Yaya Dub for a fastfood chain that she is endorsing. Talagang itinapat niya sa mukha ni Yaya Dub ang dirty finger sign niya. Walang takot, ‘di ba?
Sa kanyang Facebook account ay sinabi ng basher na hindi niya talaga bet si Yaya Dub at sa halip na bumili ng ticket nito ay ido-donate na lang niya sa mga nasalanta ng recent thyphoon ang kanyang pera.
Siyempre pa, umani ng batikos ang female basher ni Yaya Dub. Expected na naman iyon dahil sa kanyang kabastusan.
But in fairness to her, matapang siya, ha. Wala siyang katakot-takot sa katawan para bastusin niya si Yaya Dub.
UNCUT – Alex Brosas