Sunday , December 22 2024

South Asia niyanig ng magnitude 7.5 lindol (N. Afghanistan, Pakistan, India)

NIYANIG nang malakas na lindol ang northern Afghanistan, at naramdaman din ang pagyanig sa Pakistan at norhtern India.

Nabatid na umabot sa 40 katao ang napaulat na namatay sa Pakistan, habang 20 ang naitalang binawian ng buhay sa Afghansitan bunsod ng magnitude 7.5 quake na maganap sa sentro ng mabundok na Hindu Kush region, 75km (46 miles) south ng Faizabad, ayon sa ulat ng US Geological Survey.

Nilisan ng mga tao ang mga gusali sa kapital ng tatlong bansa at naputol ang komunikasyon sa maraming mga lugar.

Sa Afghan province ng Takhar, 12 estudyante ang namatay sa naganap na stampede sa girls’ school bunsod ng lindol.

Habang lima katao ang namatay sa eastern afghan city ng Jalalabad, ayon sa ulat ng hospital sources.

Karamihan sa mga namatay sa Pakistan ay sinasabing mula sa northern trial areas.

Ayon sa ulat ng mga opisyal, naganap ang lindol sa lalim na  212km. Ang magnitude ay inisyal na naitala sa 7.7 ngunit kalaunan ay ibinaba.

Ang mga tao sa Indian capital Delhi ay nagtakbuhan sa mga kalsada makaraan ang lindol, habang inilikas ang mga tao mula sa mga paaralan at opisina.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *