Si Bongbong at Trillanes ang maglalaban
Hataw News Team
October 26, 2015
Opinion
Hindi si Sen. Chiz Escudero ang mahigpit na magiging kalaban ni Sen. Bongbong Marcos kundi ang kanyang malapit na kaibigang si Sen. Sonny Trillanes sa pagka-pangalawang pangulo sa darating na halalan.
Parehong miyembro ng Nacionalista Party (NP) sina Marcos at Trillanes na kapwa nagpasyang tumakbo bilang vice president sa 2016 elections, kasabay ng apat pang politiko na tatakbo rin sa nasabing puwesto. Sa mga susunod na buwan, malamang na sina Marcos at Trillanes ang mahigpit na maglalaban at tuluyang maiiwan si Escudero sa pagtatapos ng kampanya sa halalang pampangalawang pangulo. Su-nod-sunod ang kontrobersiyang ibinabato kay Escudero kaya malamang na hindi na siya makabangon kahit sabihan pang kakampi niya ang popular na presidential candidate na si Sen. Grace Poe.
Magiging balwarte ni Marcos ang solid north at ang mga Marcos loyalist na hanggang ngayon ay tapat sa yumaong amang si Pangulong Ferdinand Marcos. Samantala makokopo naman ni Trillanes ang boto ng mga Bicolano at ang suporta ng oganisadong grupo ng Magdalo.
Kapana-panabik ang bakbakan ng magkaibigang Marcos at Trillanes para sa posis-yong vice president, habang si Escudero, dahil sa paggamit niya kay Poe at iba pang kontrobersiyang kinasasangkutan, ay maiiwan sa laban at tiyak na matatalo sa halalan.