GUSTO pala ni Richard Poon na ‘wife-centered marriage’ muna ang first two years ng buhay may asawa kay Maricar Reyes. At ngayong nakadalawang taon na sila ay handa silang magka-baby.
“We’re okey, maraming adjustments. We planned na two years wala munang baby so, this is the year. We’re trying to have a baby na sana. We started in June pero wala pa, siguro in God’s time,” paliwanag nito.
Nilinaw ng mang-aawit na natural method ang kanilang ginamit at walang condom para hindi magbuntis ang aktres. “Actually, natural lang, doktora si Maricar, ‘di ba? So, alam niya ‘yung dates na ‘di puwede, ‘yung fertile period niya. So, natural method lang. Calendar method lang, just counting it.”
Inamin nitong prioridad nilang isang baby boy ang maging panganay nila dahil sa pamilyang Tsino, lalaki ang gusto nilang panganay. ”Puwede rin ang girl pero usually, ‘pag Chinese family, lalaki eh, negosyo eh,” pahayag pa ni Richard.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu