Sitsit ng aming source, hindi raw magtagpo-tagpo ang schedules ng mga nabanggit na artista sa scheduled date ng shooting.
Eh, ‘di ba dapat ipina-block off na ‘yan?
Pero si Kim ay alam niya na kahapon dapat ang unang araw ng shooting nila nang sandaling tsikahin namin noong Huwebes bago magsimula ang product launch ng ATC Fat Out na ineendoso niya.
Tinanong kasi namin kay Kim kung kailan magsisimula ang shooting nila dahil Oktubre na, “alam ko po bukas (Biyernes), malalaman natin, kasi wala pa naman kaming call time.”
Ayaw sabihin ni Kim kung ano ang papel niya sa All We Need Is Pag-Ibig at gusto sana naming dugtungan ng, ‘si Tita Malou (Santos) ang mag-a-anounce?’ ito kasi ang katwiran ng aktres noong huling makausap siya sa 10th year anniversary ng ATC Healthcare na ginanap sa Makati Shangri-la Hotel kamakailan.
At pagkatapos ng product launching ng ATC Fat Out ay nasalubong namin ang taga-ABS-CBN at tinanong namin ang tungkol sa pelikulang All We Need Is Love.
“Ay pack-up po, hindi tuloy, hirap kasi ng schedules nila,” sabi sa amin.
Baka raw sa Nobyembre na ang shooting ng pelikulang All We Need Is Pag-ibig na ang tanong namin ay ‘aabot pa ba ito sa deadline?’ Dahil tanda namin, ang sabi ni direk Tonet ay 25 shootings days sila, eh, may pre-prod pa at kung ano-ano pa at higit sa lahat, aminado ang direktor na medyo mabagal siya, kaya malaking katanungan ito kung aabot.
Well, knowing Star Cinema sanay naman sila sa madaliang shooting pero maganda pa rin ang resulta.
FACT SHEET – Reggee Bonoan