Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, gagawin ang Darna TV series

090215 Liza Soberano

00 fact sheet reggeeMAY sitsit na Liza Soberano na raw ang gagawa ng Darna TV series?

Say ng aming source, si Liza na raw ang gusto ng ABS-CBN management na susunod sa yapak nina Batangas Governor Vilma Santos at Angel Locsin at iba pang naging Darna in the past.

Bagay daw kay Liza ang papel at fresh pa lalo’t maganda ang katawan nito at matangkad pa.

Sitsit pa na ang mangyayari raw sa ending ng pelikulang ginagawa ngayon nina Ate Vi at Angel ay ipakikitang ipinasa ng una sa huli ang bato at saka ipapasa naman kay Liza.

Huh, may ganoon?  Paano ipapasok ang senaryong ito sa drama movie nina Ate Vi at Angel?

Samantala, wala pa raw titulo ang pelikulang sinu-shoot ngayon nina Ate Vi at Angel na idinirehe ni Joyce Bernal at sabi pa, nasa kalahati pa lang daw ito dahil hindi akma ang schedules ng mga bida na parehong busy.

Sina ate Vi at direk Joyce ay alam naming busy, si Angel saan siya busy?

Going back to Liza, maraming nanay pala ang gustong-gusto siya at tinatanong kami kung anong klaseng anak ang dalagita.

Totoo lang ang kuwento namin tungkol kay Liza na mabait at magalang na anak, mabait sa mga kapatid at kaanak at higit sa lahat, responsable sa edad na 17.

Nakikita naman daw iyon sa mukha ni Liza na mabait na anak, pero ang hindi namin kinaya ay ang sinabing, “sana huwag si Enrique (Gil) ang maging boyfriend niya.”

Kaagad naming sinabing, “naku po, magagalit at iba-bash kayo ng LizQuen fans na talagang handang makipaglaban para sa idolo nila.”

Baling sa amin ng mataray at sosyalerang nanay, “bakit, itong mga fan ba may maitutulong kung saktan ni Enrique si Liza? Wala naman, ‘di ba? Hanggang bash ng bash lang naman sila. Sila ba ang magpapakain sa pamilya ni Liza kung may nangyari kay Liza?”

‘Ayy, teka po mommy, may pinaghuhugutan po ba kayo,’ balik-tanong namin sa mataray at sosyalerang nanay.

“Basta, sana career muna priority ni Liza at hindi ‘yang pakikipag- exclusively dating kay Enrique,” sagot kaagad sa amin.

‘Okay po,’ sagot din namin.

Hmm, come to think of it, may punto nga si mader na sana nga trabaho at purely loveteam lang muna ang unahin ng LizQuen kaysa ‘yang exclusively dating na ‘yan.

At sana itong si Enrique ay hayaan muna niyang mag-grow nang husto si Liza dahil bata pa at kung talagang seryoso at mahal niya ang dalagita, let her fly high tulad ng idol niyang si Superman, ‘di ba Ateng Maricris?

At si Liza, kung talagang seryoso si Quen sa kanya, maghihintay ito at hindi siya mamadaliin at huwag siyang kukulitin sa bagay na hindi pa dapat, tama ba ateng Maricris?

Anyway, lumipad ka muna nang husto Liza, magpaka-Darna ka muna at kung puwede ka namang sabayan sa paglipad ni Superman.

Sayang kasi ang pagkakatapon, Liza kaya samantalahin mo muna.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …