MARAMI ang nag-aakalang may problema sina Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo.
In one presscon recently kasi ay ayaw pag-usapan ni Sarah si Matteo. Kahit na anong tanong sa kanya about her boyfriend ay ayaw itong sagutin ng dalaga. At one point, nakiusap pa siya na itanong na lang ang ibang questions, ‘wag na ‘yung kay Matteo.
Hindi tuloy naitanong ng press kung ano na ang development sa relasyon nilang dalawa.
Anyway, marami ang nakapansin na ingat na ingat na yata ngayon si Sarah sa pagpo-post ng pictures nila ni Matteo. At parang wala na ring lumalabas na dating photos nila ng binata.
Sunod-sunod noon ang mga lumabas na pictures and photos nina Matteo at Sarah na talagang ikinakilig ng kanilang fans. Mayroong shot habang nagdi-dinner sila, habang naglalakad paalis ng cinema at habang nasa burol ng kamag-anak ni Matteo.
Siguro ay nag-iingat lang si Sarah na may masabi ang kampo ni Matteo. Baka nga naman isipin nila na ginagamit ni Sarah si Matteo to beef up interest in her forthcoming concert.
UNCUT – Alex Brosas