Sunday , December 22 2024

Mison muling natakasan ng puganteng Koreano (Sa ikalawang pagkakataon)

102315_FRONT copy

WALA pang 24 oras nang muling madakip sa Parañaque City ang puganteng Koreano na nakatakas sa Bureau of Immigration (BI) Warden’s Facility sa Bicutan nitong Setyembre 29, pero nakapagtatakang nakapuga na naman sa ISAFP detention cell sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Kinilala ang puganteng Koreano na isang Cho Sheong Dae, wanted sa kasong robbery at extortion sa kanilang bansa, at nakatakda na sanang kaunin ng Korean Embassy pero maluwag na nakatakas sa BI Warden’s Facility sa Bicutan noong Setyembre 29.

Ang nasabing pagtakas ni Cho ay bigong naitago sa media ng mga awtoridad sa BI nang lumabas sa pahayagang ito ng HATAW D’yaryo ng Bayan.

Agad umanong naglabas ng direktiba si Immigration Commissioner Siegfred Mison na imbestigahan ang pagpuga ni Cho.

Nitong Martes, muli umanong nadakip si Cho sa Parañaque, at agad dinala sa ISAFP Detention Cell sa Camp Aquinaldo ngunit nitong madaling araw ng Miyerkoles ay naglunsad ng “manhunt operation” dahil nakatakas muli ang Koreano.

Sinabing ang mga nagbabantay kay Cho ay mga kagawad ng ISAFP.

Sa ISAFP din humihiling ng personnel si Mison bilang ‘personal’ bodyguard.

Nabatid na ang kaso ni Cho ay hindi pa naiuulat sa tanggapan ni bagong Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa pero may nakapag-ulat na sa Malacañang.

Tahimik naman ang Office of the Commissioner (OCOM) sa muling pagkakatakas ni Cho sa kustodiya ng ISAFP.

ni JSY

About JSY

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *