Kaya naman nang makatsikahan namin ng one-on-one pagkatapos ng Q and A ay ito talaga ang tinanong namin kung bakit asiwa o balisa siya at panay ang make-face.
“Ano, bored, giniginaw ang lamig, eh at saka inaantok din, hindi ako nag-nap kasi, ang aga-aga ko kasing nagising kaya antok na antok ako kanina.
“Mabilis akong ma-bored, I think I have ADD (deficit disorder), kasi nakaupo ka the whole day tapos ganoon, hindi mapakali, or even my daddy kasi ganoon tapos ang ginaw-ginaw pa.
“Kaya nga sabi ko, hindi pa ba tapos (presscon) ‘to. Sila Goma (Richard Gomez) nga ginaw na ginaw din kami (Dawn Zulueta) rito,” paliwanag ng aktres.
Maraming pinakawalang project dahil sa You’re My Home
Samantala, sa Q and A ay nabanggit ni Assunta na natutuwa siya dahil itongYou’re My Home lang daw ang seryeng buhay siya simula umpisa hanggang the end. At hindi raw siya nawala sa mga eksena.
“Well, mayroon kasi akong mga teleserye before na hindi ako namamatay pero nawawala naman ako, so it presumed dead tapos babalik later on, ‘yung mga ganoon,” paliwanag ni Assunta.
Nabanggit din na dalawang taong naghintay si Assunta sa You’re My Home na dapat sana ay may ibang serye siyang gagawin, pero since pina-block daw ang schedule niya kaya sinunod naman ng aktres.
Hindi naman daw nagsisisi o nanghinayang ang ate ni Alessandra sa nasayang na panahon dahil worth the wait naman ang You’re My Home sa ganda ng papel niya.
Tinanong naming kung anong programa ‘yung mga pinakawalan ni Assunta.
“Hindi ko alam kung allowed akong sabihin, dapat ‘yung management ko na lang magsabi,” pag-iwas ng aktres.
Binanggit naming tapos na rin naman dahil umere na pero nanindigan si Assunta na hindi banggitin.
AYAW MAG-POWER-TRIP KAHIT MAY KONEKSIYON
Sa kabilang banda, natanong namin kung bakit hindi niya ito idinulog sa management na may nasayang na project sa kanya.
“Wala naman akong magagawa, at saka push over ako, hindi ako umaangal, wala akong cut-off, hindi ako reklamador.
“Ang hirap din naman kasing mag-impose kasi unang-una hindi naman ako sikat para mag-impose ‘no?” katiwran ng aktres.
Nasabi namin na kilala na rin siya bilang si Assunta de Rossi, ”naku, wit (huwag) na, I don’t think so,” sabi ng aktres.
Dagdag pa, ”ayoko ring mag-power trip, I married a Lopez, madaling mag-power trip kasi, because I know that the owner of this (network) is my in-laws, ‘di ba? Ang daling humingi ng kung ano-anong pabor, but I’d rather won’t.”
At maski raw sa mga nagdaang serye ni Assunta na bigla siyang nawawala o namamatay ay hindi niya inirereklamo dahil, ”again, ayokong mag-impose o umabot sa ganoon,”katwiran ng aktres.
Sabi pa, ”ini-explain naman iyon (script) beforehand, wala namang isyu actually, ‘yun nga lang ang napupunta sa aking role, eh, second week wala ako, tapos balik ulit, semi-regular ako.”
At sa tanong namin kung anong papel ni Assunta sa You’re My Home, ”actually, hindi ako puwedeng mag-reveal sa role ko, hindi ako kontrabida. Nanay ako, I have a son, mahirap lang kami pero masaya.
“Pinapaaral ko siya (anak) ng abogasya, iginagapang ko siya (anak), lahat ng raket pinasok, hanggang isang araw may nag-claim na ‘yung anak ko, anak daw niya, si Dawn, so iyon (nag-uumpisa ang conflict).”
OPEN SA PAG-AAMPON O MEDICAL PROCEDURE
Napang-usapan din lang ang anak ay muling tinanong for the nth time si Assunta kung kailan sila magkakaanak ni Congressman Jules Ledesma.
May plano bang mag-adopt? ”Open naman kami sa ganyan, wala na kami sa politika next year, kaya puwede na. I’ll be 33 (years old) by then,” kaswal na sabi ng maybahay ni Representative Jules.
Kailangan bang dumaan sa medical procedure sina Assunta para makabuo ng anak.
“If kailangan naming umabot sa ganoon, If lang, and I said, we’re open pero hindi ko sinasabing oo ‘yun ang balak namin.
“Wag lang adoption or surrogate, no! I don’t think kasi tanggap na kasi sa atin ang ganoon (surrogate),” esplika ng aktres.
At sa usaping pag-ampon, ”sabi ng doctor wala naman daw akong problema,”mabilis na sagot ni Assunta.
As of now ay hindi naman daw nagta-try hard ang mag-asawa dahil may tinatapos pa raw silang problema.
“Mayroon lang kaming importanteng tinatapos, bahay (nagpapatayo) at saka ‘yung Ledesma trust (fund) for making our workers millionaires,” umpisang sabi ng misis ni Mr. Jules.
Medyo naguluhan kami kaya ipina-esplika namin kung ano ang ibig sabihin na payayamanin nila ang kanilang mga manggagawa.
IBABAHAGI ANG KAYAMANAN SA MAGSASAKA
“More than half of our wealth with give to them, kasi ‘yun. Have you ever heard of the giving pledge?
“Giving pledge is an advocacy organization set up by Bill Gates (Microsoft), Mark Zuckerberg (Facebook founder) and Warren Buffet. They’re challenging lahat ng bilyonaryo sa mundo in dollars ha, siyempre wala kami roon, mahirap lang kami kompara sa kanila.
“Like you can give half of your personal wealth to any charity like Go charity na habang nabubuhay ka o mga anak mo,” kuwento ni Assunta.
Nabasa raw niya ang kuwento ng ordinaryong Indian Guy na yumaman dahil sa 5 hour energy drink, ”eh, simpleng tao lang siya (Indian guy), kaya ‘yung 99% niyang kayamanan ay ibinigay niya sa charity.
“’Yun na ang uso ngayon actually, na social philantrophy, kuumbaga lahat ng rich persons ay mag-pledge ka sa yaman mo sa charity, kahit saan mo siya gustong gamitin, but still kumikita ka pa rin.”
‘“Yung sa amin naman, it has something with land reform so 60% of our land will go to our manggagawa plus new houses, they are all 800 plus beneficiaries.
“So P800-M ang ibibigay namin para ipagawa ang bahay nila kasi mga luma na rin, buhay pa ‘yung father in law ko, binigyan na sila ng pabahay at over 40 years old na kaya kailangan na ring palitan,” esplikang mabuti ni Assunta.
At dahil more than half ng kayamanan nina Congressman Jules at Assunta sa Negros Occidental ay, ”magiging minority na lang kami,” aniya.
Tinanong namin ang tungkol sa dalawang anak ni Jules sa unang asawa nito kung ano naman ang share nila.
“Okay lang kung ayaw nilang magtrabaho, maging pilantropo na lang sila, they have more than enough, sobra-sobra na.
“Ang asawa ko kasi heredero ‘yan, 5 years old palang alam niyang ang laki ng mana niya, so sabay-sabay kasing lumabas, so we’re putting it in a trust para it will not be broken apart kasi legacy iyon ng lolo niya.
“And ‘yun nga, gusto niya (Jules) rin kasing i-encourage ‘yung mga landlord na ang CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) kasi maraming flaws,”pahayag pa ng aktres.
WALANG PRE-NUPTIAL AGREEMENT
At inamin din ni Assunta na hindi siya pinapirma ng pre-nuptial agreement ng in-laws niya.
“No, my husband was against it, my in-laws, were okay, puwede nilang awayin ang asawa ko, ako hindi,” napangiting sabi ng aktres.
Hindi raw nabibigyan ng sariling pera si Assunta maliban sa kailangan nito sa bahay, pero kung pampersonal nitong pangangailangan, ”I don’t need, I work very hard for my money. What mine is mine, what is his is mine also kaya ganoon kalakas ang loob ko na kapag kailangan ko, anytime. At saka hindi rin naman ako maluho. I’m very low maintenance talaga,” kuwento ng aktres.
At hindi raw mahilig sa branded bags si Assunta, ”no, I like cars, toys for big boys,” sabi ni Assunda.
Anyway, excited si Assunta sa airing ng You’re My Home sa Nobyembre 9, Lunes sa Primetime Bida.
FACT SHEET – Reggee Bonoan