Friday , November 15 2024

Utol ng INC minister na ikinulong humirit ng writ of amparo sa SC

HINILING sa Supreme Court ng mga kamag-anak ng ‘missing’ na ministro ng Iglesia ni Cristo (INC), na magpalabas ng writ of amparo and habeas corpus.

Sa siyam pahinang petisyon, hiniling ni Anthony Menorca, kapatid ng ministro ng INC na si Lowell Minorca, na atasan ng Korte Suprema ang mga opisyal ng Iglesia ni Cristo na ilabas ang kanilang kapatid.

Pinangalanan na respondents sa petisyon si INC Executive Minister Eduardo Manalo at mga miyembro ng Sanggunian ng Iglesia na sina Radel Cortez, Bienvenido Santiago at Rolando Esguerra.

Iginiit ni Menorca, ikinukulong ng INC ang kanyang kapatid at pamilya.

Ipinakita raw sa kanila ang kapatid na ministro at bagama’t wala sa selda ang ministro at ang kanyang maybahay, ngunit hindi sila pinahihintulutang lumabas ng compound.

Ayon pa kay Anthony, bukod sa pamilya Menorca ay nakararanas din ng emotional at psychological stress ang iba pang ministro na ikinulong din aniya ng Iglesia ni Cristo.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *