Friday , November 15 2024

Benguet Police director sinibak (Sa mataas na casualties sa bagyo?)

EPEKTIBO kahapon, sibak na sa pwesto ang police provincial director ng Benguet na si Senior Supt. Dave Lacdan, sinasabing dahil sa naitalang mataas na bilang ng casualty ng bagyong Lando sa nasabing lalawigan.

Ayon kay PNP PIO chief, Chief Supt Wilben Mayor, iniutos na ni Chief Supt. Ulysses Bellera na mag-report na muna sa regional headquarters si Lacdan at iwan na ang kanyang posisyon.

Sinabi ni Mayor, ang pagtanggal kay Lacdan ay batay na rin sa direktiba ni DILG Sec. Mel Senen Sarmiento.

Sinasabing ilang araw pa bago ang pagdating ng bagyo ay nagpalabas na sila ng babala kaya gumawa na sana ng mga hakbang ang mga kapulisan.

Base sa tala, 14 ang namatay sa Benguet.

Ngunit may lumutang din na impormasyon na halos 20 na ang patay sa Cordillera.

Itinalaga bilang officer-in-charge kapalit ni Lacdan si Senior Supt. Dave Peredo.

Sa kabila nito, wala pa raw direktang dahilan na natanggap ang OIC provincial director ng Benguet kung bakit sinibak sa pwesto si Lacdan.

Lando casualties isinisi ng Palasyo sa pasaway

IPINASA ng Malacañang sa mga residenteng matigas ang ulo at ayaw palikas kaya nabigo ang target na zero casualty sa pananalasa ng bagyong Lando.

Magugunitang batay sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 28 na ang namatay sa kalamidad habang may ilang bayan pa ang hindi napapasok o na-account ng mga awtoridad.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi nagkulang ang gobyerno sa pagbibigay babala at paalala sa publiko lalo sa daraanan ng bagyong Lando.

Ayon kay Lacierda, sana ay magsilbing leksiyon sa lahat at iwasan na ang maging pasaway sa abiso ng gobyerno gaya nang preemptive evacuation.

Magugunitang ilang residente sa mapanganib na lugar ang tumangging palikas habang tinawanan pa raw ng iba ang mga sumusundong rescue team.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *